"I need you now.."

7.3K 236 23
                                    

Vice's POV 

"Vice, I need you now. Please." 

Mabilis kong inayusan ang sarili ko pagkatapos kong mabasa ang text ni Karylle. Natataranta na ako. Ni hindi ko alam kung ano ang susuotin ko ngayon dahil sa biglaang pagtext niya. Kumuha nalang ako ng puting t-shirt at khaki shorts, hindi na ako nakapagmake-up dahil sa sobrang kaba ko, hindi ko na naiisip ang mukha ko kundi si Karylle lang.

Palabas na ako ng pinto nung tinawag pa ako ng isa kong roommate na si Archie.

"San rampa mo at di ka pa nakapag-ayos? Ang chaka mo!" 

Inirapan ko nalang siya at tumakbo na ako pababa. Buti nalang at may nahanap pa akong 200 sa wallet ko kaya may pang taxi pa ako. Bahala na kung san ako kukuha ng pamasahe pauwi mamaya basta makarating ako ngayon sa condo ni K.

Sumakay na ako ng taxi at kinuha ko ang cellphone ko para replyan siya. 

"Papunta na ako. Wag kang umalis diyan." 

Huminga ako ng malalim at nanalangin na sana okay lang talaga siya. Kinakabahan ako ng sobra. 

-------------------

Inis na inis na ako! Bakit kailangan traffic pa! Gusto kong magwala dahil baka ano pa mangyari sa kaibigan ko. Nakakaloka!

"Kuya eto na po. Salamat!" 

Mabilis akong bumaba ng taxi at naisipan kong tumakbo nalang. Malapit na rin naman ako, kaya bahala na sino ang mabangga ko basta makarating na ako sa condo niya ngayon din.

"Aray! Hoy bakla! Pwede ba tingin tingin din sa dinadaanan mo!" sigaw ni ateng bruha.

"Excuse me? Pwede ba tingin tingin din sa salamin pag may time?!" 

Binalewala ko na yung sunod niyang sinabi dahil hindi naman siya importante. 

Pagkatapos ng tatlong minutong pagtakbo, nasa labas na ako ng building. Nakita ako ng guard na sobrang hinihingal kaya hindi pa sana niya ako pinapasok. Pero dahil kilala na rin ako dito, wala na akong kailangan sabihin dahil agad na nila akong pinapasok.

Sumakay na ako ng elevator at naabutan ko pa ang salbaheng babaeng nabangga ko rin dati na si Deniece kasama ang boyfriend niyang si Cedric. Aba makatingin 'tong si ate parang mangangain! Hinalikan pa niya ang jowa niyang sobrang panget naman sa harap ko pa mismo. Nananadya na talaga 'to. 

14th Floor

Lumabas na ako at tumakbo na sa kwarto ni Karylle. 

-------------------------

Kumatok na si Vice ng ilang beses pero walang Karylle na lumalabas sa pinto. Sobra na siyang nagwoworry kaya wala na siyang magawa kundi sipain ang pinto. Agad naman itong bumukas at nakita naman niya ang kaibigan na nakaupo sa tabi ng sofa. 

"Karylle..." 

Tumakbo si Vice sa tabi ng best friend niya na patuloy pa rin sa pag-iyak. Niyakap niya ito ng mahigpit na mas nagpaiyak pa dito.

ViceRylle: PansamantalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon