Ang Nakaraan

4.1K 189 20
                                    

Maaga namang nagising si Vice para muling ihanda ang kanyang mga gamit para sa flight nila mamaya papuntang Cagayan De Oro.


"Brad paalis na ako ng bahay. Magkita nalang tayo dun sa airport.." he ended the call and kept his phone back in his pocket. His boyfriend Kurt was just observing him. Ang hindi alam ni Vice ay kanina pa pala ito gising at pinapanood lang siya. Kagabi pa lang ay hindi na sila nag-usap ng maayos. Masama ang loob ni Kurt sa kanya dahil parang pinipili pa rin ni Vice si Karylle over him.


"Sana hindi kayo magkita.. Binigay ko na ang lahat. Bakit kulang pa din? Bakit siya pa rin?" napatigil si Vice sa narinig niya pero hinayaan na lang ito. "Can you at least explain to me? Patay na siya di ba?"

"Shut the f*ck up Kurt!" hindi na niya mapigilan ang sigawan si Kurt dahil sa pinagsasabi nito. "Hindi mo alam kung gaano kahirap ang pinagdaanan ko! Wala kang alam sa buhay ko!"

"Exactly Vice! Kasi sa buong pagsasama natin, you never even gave me the chance to know you more! All you can think about is Karylle! Napakaselfish mo!" Vice ignored what he heard pero sa totoo ay nasasaktan din siya. Naguilty siya sa ginawa niya kay Kurt.

He stood up and got his bags, ticket and wallet. Leaving Kurt by himself sa kwarto nilang dalawa.


"Aaron tara na." mabilis namang kumilos ang driver niya papasok sa hummer niya. Habang nasa biyahe ay patuloy parin ang pag-obserba niya sa picture na sinend sa kanya ni Billy. Kampante talaga siya na si K nga ang nasa larawan. "Hindi ako pwedeng magkamali.. Girlfriend ko 'to."


Pagdating ng airport ay saktong nakasalubong na niya sina Billy at Vhong. They both gave him a hug to show na nandyan lang sila para sa kanya at suportado silang dalawa sa mga gagawin niya.


"I told Coleen na alamin niya kung san nakatira yung nakita niya kahapon. She told me di niya alam but lagi daw tumatambay yung babaeng yun sa place na yun." Vice nodded and Billy gave him a pat in the back. "Tara na brad. Let's go find the woman of your life."


Pumasok na sila ng Departure Area at hinintay ang oras ng kanilang paglipad.


—————————————


As they entered the airplane, bumigat naman ang damdamin ni Vice.


"Ayos ka lang brad?" tanong naman ni Vhong nang mapansin niya ito.

"Naalala ko lang si Karylle. Yung aksidente. Pano kung.. Paano kung hindi siya yung nakita ni Coleen."

"Tigilan mo nga yan. Maupo ka nalang nang malaman natin pagdating natin dun." sumunod naman si Vice sa payo ng kanyang matalik na kaibigan.


Vice's POV

Sa totoo lang, hindi ko alam ang una kong gagawin pag nagkita tayo. Alam ko magiging masaya ako. Pero masasaktan din. Iniwan mo ako nang walang dahilan. Hindi ka man lang nagpaalam ng maayos sakin. Nagmukha akong tanga kakahanap sa'yo. Kakahintay ng tawag o text man lang. Pero ni-isa wala..

May nagawa ba ako sa'yo? Hahayaan kitang magpaliwanag.. Kung sakaling ikaw nga talaga ang makikita ko dun.

Sinubukan kong limutin ka. Naghanap ako ng iba. Pero hindi talaga niya kayang ibigay ang pagmamahal na binigay mo sakin. Hindi ko maipaliwanag kung ano yun. Yung pagkatao mo mismo? Siguro. Kasi ibang-iba ka sa lahat. Kaya lalo kitang minahal because you're way different than all of them. You changed a big part of me, you made me the happiest man every single time we're together. And that is one thing na hindi nila mabigay sakin.

ViceRylle: PansamantalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon