Tampo Moments

6.2K 184 10
                                    

Vhong: Huy! Di mo ba talaga ako sasagutin.

Vice: Eh kasi...

Vhong: Brad, alam kong di ka papayag na may babaeng papasok dito sa kwarto mo. Pero hello? Si Karylle andito kanina. Nakita ka pang naka-topless?!

Vice: Nagulat nga rin ako eh.

Vhong: May nangyari ba?

Vice: Gago! Ew! Kadiri!

Vhong: Pero sagutin mo na nga tanong ko.

 

Vice let out a a deep breath..

 

Vice: She's someone special....

--------------------

Nagulat naman si Vhong sa kanyang narinig kaya hindi pa siya agad nakapagsalita. Binato naman siya ng unan ni Vice kaya natauhan siya.

Binato naman balik ni Vhong ang unan kay Vice. "Seryoso!? So mahal mo siya!" napatayo naman bigla si Vice. 

"Special lang Vhong.. Ibig sabihin ba mahal na agad?" seryosong tanong nito. 

"Brad, grabe. Ngayon lang kita nakitang ganito." tumayo na rin s Vhong at inakbayan ang kaibigan niya. "Di ko masasabing mahal mo na, pero sa nakikita ko e gusto mo siya. Gago lalake ka na!" 

"Yuck Vhong!" 

.

.

.

.

The next day, Vice decided to go back to school kahit may pasa pa rin ito sa kanyang mukha. Sinundo naman siya ni Billy sa gate ng paaralan nila para sabay na silang papasok sa mga klase nila. Billy was actually surprised dahil wala siyang alam sa mga pangyayari. Kahit anong pangungulit niya kay Vice ay ayaw pa rin nito sabihin ang dahilan sa kanya. 

"Mamaya na kasi! May klase ka pa. Layas!" sabay tulak nito kay Billy papasok sa classroom niya. 

"Nakooo. Siguraduhin mo bestie. Di kita titigilan! Sige mauna na ako. Ingat!" 

"Kaloka ka. Ge!" 

At tumungo naman si Vice sa sarili niyang klase. Pagpasok pa lang ay rinig na rinig na niyang nagchi-chismisan ang mga kaklase. Nahalata niyang siya ang topic ng mga ito dahil nahuli niya ang isa sa mga ito na nakaturo sa mukha niya. Hanggang sa di na niya napigilan ang sarili..

Napatayo siya sabay turo sa mga kaklase niya. "Anong bang mga problema niyo?!" at natahimik ang lahat. "Eto ba pinag-uusapan niyo? Yung black eye na 'to? Kung oo man, e ano bang pake niyo kung san ko to nakuha?!" 

"Mr. Viceral, may I please have a word with you." 

Unexpectedly, bigla namang dumating sa klase ang professor nila. So he had no choice but to go outside the room and talk to his professor. 

Ginawan nalang ni Vice ng ibang dahilan ang pagkakaroon ng pasa sa mukha, dahil ayaw niyang madamay pa si Karylle sa gulong ito. Ayaw na niyang palakihin pa ang issue. 

ViceRylle: PansamantalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon