Probinsyano

5.8K 176 10
                                    

Ilang araw na rin ang nakalipas simula nung matanggap ni Vice ang mga bulaklak galing sa isang taong hindi niya alam kung sino. Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin siya kung sino ang nagbigay dahil pati si Karylle ay naguguluhan na rin.

"Si Kevin? Pero.. Pero lumayo na siya. Nangako na siya sakin no'n.." bulong niya sa sarili. Abala siya sa pag-aayos ng kanyang mga gamit sa dahilang gusto muna niyang umuwi sa La Union para makasama ang mga kamag-anak.

Hindi na rin siya pinigilan ni Karylle dahil naiintindihan niya rin na kailangan pa iabot ni Vice ang mga pinadala ng nanay niya sa mga Tito at Tita niya doon.

Vice's POV

Medyo malayo na naman 'tong biyahe pero kakayanin. Nakakamiss na din yung hacienda ko. Chos! Excited na ulit akong kumain!

Hay nako Viceral puro ka lafang!

From: Karylle

Mag-ingat ka ah. Text ka kapag nandun ka na.

Parang nanay ko naman to.

To: Karylle

Opo Madam. Ingat din dyan! :)

Palabas na ako ng dorm namin nang bigla na naman akong tinawag ng guard. Teka. Wala naman akong ninakaw ah?!

"Ma'am.."

Excuse me lang. Sir na ako. Hay nako talaga. Kaimbyerna ito!

"Ano po yun?"

"May nagpaabot po pala.."

Binigay niya sakin ang isang box ng toblerone na may kasama pang red na balloon. Ano to valentines? Sinubukan kong hanapin kung kanino na naman siya galing pero walang nakalagay na sulat. Kaya tinanong ko nalang muli ang guard.

"Kuya, kanino daw po galing?"

"Hindi ko po nakita."

"Di mo nakita? Yung totoo. Hangin ba nagbigay at hindi mo siya nakita?"

"Hindi.. Di po. Ibig kong sabihin di ko po masyadong nakita yung mukha. Naka helmet po kasi siya eh."

"So naka motor siya?"

"Malamang po. Alangan naman nakasasakyan. Nakahelmet nga."


Aba bastos to ah!

"Malay mo pauso niya yon!"

Inirapan ko nalang siya at naglakad nalang ako. Eto na naman 'tong regalo na 'to. Kinakabahan na 'ko dito ha. May stalker ba ako?

CHAROT!

Ang feeling ko naman. Ganda ko naman para magkaroon ng stalker. Nilagay ko nalang sa bag ko ang tsokolate. Ibibigay ko nalang 'to sa mga pamangkin ko ikatutuwa pa nila. Sawang-sawa na ko sa dinala kong tsokolate tapos dinagdagan pa. E di wow!

Lumipas ang isa't kalahating oras ay nakarating din ako sa terminal. Mabilis din naman akong nakabili ng ticket at nakasakay ng bus. Buti na lang talaga! Natulog na rin ako agad dahil sa sobrang sama ng pakiramdam ko sa init at pagod ko.

----------------------------

Habang magkalayo sa isa't isa ay hindi pa rin nawawala ang komunikasyon sa dalawa. Minsan nga'y umaakyat na siya sa bundok para lang magkasignal.

"Teka naman! Baka mawala ka na dyan ha! Alam mo ba kung san ka pupunta?"

"Hindi nga eh. Haha! Pero wag ka mag alala makakauwi naman ako. Panget kasi ng signal sa bahay!"

ViceRylle: PansamantalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon