This Is It Pansit

5.6K 204 14
                                    

"Good morning baby.."


Isang nakangiting Vice naman ang bumungad kay Karylle sa paggising niya. Naka puting tank top ito at black board shorts. Kilig naman si Karylle at hiyang-hiya pa ito sa pagmumukha niyang bagong gising kaya todo takip naman siya ng kumot niya.


"Vice naman eh!! Di pa ako nakapag-ayos." sabay pout nito. Wala namang comment si Vice dahil patuloy parin itong nakatitig kay Karylle.

"Maganda ka pa rin naman." sabi nito. "Actually dapat masanay na nga ako sa ganyang mukha mo eh.."


Napakunot noo naman si K sa narinig. "Anong ibig mong sabihin?"

"Kasi ganyan ang makikita ko sa paggising ko sa umaga kapag mag-asawa na tayo."

"Eeeeehhh!!! Ewan ko sa'yo!" muli na namang nagtago si Karylle sa ilalim ng kumot niya dahil ayaw niyang ipakitang kinikilig siya.

"Mag toothbrush ka na nga. Magsswimming pa tayo bebelabs.." bumangon naman si Karylle at umalis naman si Vice para hayaang magpalit ang girlfriend... girl na friend.. niya.


Ilang oras din silang nagbilad sa araw para maienjoy ang huling araw sa resort. Hindi naman nawala ang kulitan ng dalawa. Maghahabulan sila at magyayakapan na parang magjowa na talaga. Si Ernie naman ay mag-isa lang na nakatitig sa kanyang one and only.


"Ate looks so happy with Kuya Vice.." sabi naman ni Zia sa ina nila.

"Sobra. Alam mo, kung straight lang si Vice papayag talaga akong ligawan niya ang ate mo." narinig naman ito ni Coco kaya napapaisip na rin siya.

"Who knows, sila na pala." nagkatitigan naman silang tatlo habang patuloy parin na minamasdan ang paghaharutan ni Vice at Karylle.



Tawang-tawa naman sila hangga't sa napaupo na sila sa buhangin. Hingal na hingal sa kakatawa, pero enjoy na enjoy sa piling ng isa't isa.

Vice took out his new phone and decided to take a picture of them.


After that, Karylle took his phone and opened Vice's facebook account to post the photo that they just took together.


"Huy Karylle baka kung ano ilagay mo dyan at makita ni Nanay ha!" she kept typing at hindi naman ito nakikita ni Vice.

"Let's go change na!" pag-aya naman ni Karylle. Wala namang nagawa si Vice kundi sumunod nalang. She handed over his phone at napangiti naman ito sa nakita niya.


"Jose Marie Viceral added a new photo

Going back home to Manila. Thank you for this! #bebelabs :)"


He couldn't help but giggle a bit. Karylle saw his reaction at alam na nito kung bakit napapangiti na naman mag-isa si Vice.



Hours later ay dumating na sila ng Manila. Una namang inihatid ng buong pamilya si Vice sa dorm niya. But the problem is, tulog pa rin si Vice kaya hirap na hirap naman si K sa paggising sa kanya.

ViceRylle: PansamantalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon