Boys Night Out

8K 207 9
                                    

Alas onse na ng gabi nang bigla namang nagring ang cellphone ni Vice. Tumatawag na pala ang kaibigan niyang si Billy.

Billy: Viceral! Asan ka na? Kanina pa kita tinatawagan ah

Vice: Sorry naman ang himbing ng tulog ko eh. 

Billy: Palusot. Sabihin mo nalang kasi na busy kayo ni Ke--

Vice: Gaga! Oo na eto na papunta na ako wag kang echosera! Bye!

Mabilis namang bumangon si Vice para makabihis na. Simpleng black v-neck shirt at maong pants lang ang suot niya ngayon. Hindi katulad ng dati na baklang-bakla kung rumampa si beks. Wala na rin daw kasi siyang oras para makapagmake-up pa, kaya simpleng face powder at lipstick lang siya ngayon.

Kinuha na niya ang kanyang black shoulder bag at agad na nag-abang ng taxi sa labas ng dorm.

Pagkalipas ng ilang minuto ay nakarating na siya ng bar.

Sa Guilly's... 

Saktong pagbaba ni Vice ng taxi ay naabutan niyang may kausap sa telepono niya si Vhong. 

"For sure girlfriend niya na naman yan.." bulong niya sa sarili.

Nilapitan niya agad ito para kilitiin kaya naman nagulat ito at muntik na ihulog ang cellphone sa sahig. Hindi nagtagal at binaba na ni Vhong ang tawag at agad na tinulak si Vice.

"Gago brad. Nanay ko yun ano ka ba naman."

"Ay! Kala ko ba naman jowa problems. Asan si Billy?"

"Di ah. Okay kami.." sagot ni Vhong.

"Di ako tulad mo ngayon. Heartbroken. Nasa loob na. Tara." pang-aasar niya sa kaibigan.

Inirapan nalang siya ni Vice at sumunod na rin ito sa loob. Medyo marami ng tao at halos lahat doon ay estudyante din ng kanilang paaralan. May ibang mga kakilala si Vice pero hindi siya napapansin ng mga ito dahil sa kanyang porma.

Lalake daw ang outfit.

Ilang metro pa ang pagitan at sinigawan na agad ni Billy ang kaibigan.

"Brad!! Gwapo mo!"  nandiri naman ulit si Vice at niyakap nalang ito. "Wala na kasi akong maisusuot. Eto nalang nahanap ko." 

"Pero bagay sa'yo. Gwapo mo pala pag boy ka."

"Yuck! Nako Billy nababakla ka na sakin ah!" 

Umupo na silang tatlo at nag-order na ng maiinom. 

Naging normal naman ang kanilang mga pinag-usapan. From school, family, friends.. They also decided na pumunta rin sa dance floor paminsan-minsan para makapag-enjoy pa lalo kasama ang mga kaibigan nila.

As expected, kahit pormang lalake si Vice ay lumalapit pa rin siya sa mga boys. Pero para sumayaw lang naman. 

Mas nagenjoy pa ang magkaibigan, dahil nandun din sa lugar ang mga kaibigan nilang sina Jugs and Teddy na busy naman sa paghahanap ng mga girls nila. At sa hindi inaasahan, nakita rin ni Vice ang crush niyang si Karylle. 

ViceRylle: PansamantalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon