Chapter 50 Part 2

11.3K 274 27
                                    

[VENICE]

Palabas na sana ako ng Botique ko nang may mapansin sa may sahig.

Isa itong nilukot na papel. Nakakunot noo ko itong kinuha at kagad na binuklat.

Nanlaki ang dalawang mata ko nang makitang ito yung inesketch ko na dream wedding gown ko. So siya pala ang kumuha, kaya pala halos baliktarin ko na ang Botique at bahay ni Rave kakahanap dito ay wala akong makita.

Kagad ko itong itinago sa bag ko at dumeretso na sa sasakyang kanina pa sakin nagaantay.

Ilang minuto pa ng pagdadrive ay malapit na namin marating yung Venue. Kakatapos ko lang din makausap sila Ava at Raine thru Skype. Sobrang naeexcite na talaga si Raine dahil isa sya sa mga tumulong sa pagaayos ng Surprise na ito para sa Daddy nya.

Napatingin ako sa unahan ng kotse. Ngayon ko lang napansin na tahimik lang na nagdadrive  si Joe, which is odd. Usually kasi kinakausap nya ako kahit closed-ended ang topic namin.

Tatawagin ko na sana siya nang magpark na ito sa tabi nung Resto. Hindi ko namalayang nandito na pala kami.

Kumunot na ng tuluyan ang noo ko nang makitang hindi pa rin gumalaw sa harapan si Joe. Akmang lalapit na ako nang biglang makarinig ako ng munting halakhak.

Kagad akong natigilan at nanlaki ang mga mata. Napatakip ako sa bibig ko at kagad napaatras sa kinauupuan ko.

"Well I guess kilala mo na kung sino ang kanina pang nagda-drive para sayo..."

Halos habulin ko na ang hininga ko sa takot. Kagad kong hinawakan yung pinto para buksan pero kagad itong naglock.

"This isn't over Nadine..." sabi nya at alam kong sobrang lapad ng pagkakangisi nito sa tono pa lang ng boses nya.

Hindi pa rin ako makaimik at halos sirain ko na yung pinto sa kakahila dito pero wala akong magawa dahil nakalock nga ito.

"A-ano bang gusto mo Cade? Please lang lubayan mo na kami." pakikiusap ko sakanya habang nakahawak pa rin sa may pinto nung kotse.

Narinig ko ulit syang tumawa sandali. "Lubayan? And then what? See you end up with him?" sabi nya at pagkatapos ay lumingon ito sa kinauupuan ko.

Napabitiw ako sa hawak kong pinto at napaatras muli. Sobrang nakakatakot ang mga titig nya. Ibang iba na Cade na talaga ang kaharap ko.

"C-Cade.." takot na sambit ko.

Ngumisi lang ito sakin at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa.

"Please.. Buksan mo na yung pinto." pakiusap ko. Halos maluha-luha na ako.

Naglaho ang ngisi nya sa labi at mas lalong nanlisik ang mga mata.

"NO!" sigaw nito sakin na halos ikalagot ng hininga ko.

HSMS2: Only One YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon