Chapter 1

47K 391 68
                                    

Sorry pala guys kung hindi ko ito napost kagabi. Nagloloko kasi lappy ko. Need ko na talaga ireformat nito >.< Here's now my Update. Enjoy Reading :)

***

[THIRD]

"Okay Everyboday that's a wrap!" sigaw nung Director.

"Good job Venice. We'll talk later." sabi nung Director kay Venice at lumabas na nung set.

Nagaayos lang ng gamit si Venice nang may biglang yumakap sakanya sa may likod.

Natigilan naman sya sa pagaayos nung camera set nya at pinipilit nyang alisin yung pagkakayakap sakanya pero mas lalong humigpit ito.

"Are you still mad at me?" bulong na tanong nung nakaakap sakanya sabay halik sa balikat nya.

Napabuntong hininga na lang si Venice at ipinagpatuloy na lang nya yung pagaayos sa gamit nya.

"Baby?" tanong nya ulit pero hindi nasagot si Venice. Abala lang ito sa pagbabalik nung mga camera nya sa lalagyan.

Muntikan nang mabitawan ni Venice yung lens nung camera nya nang bigla syang iniharap.

"Cade ano ba!" pagpupumiglas ni Venice.

Napabuntong hininga si Cade at binitawan nya si Venice.

"I'm sorry okay? Masyado lang akong nagseselos when you're around him."

Napabuntong hininga rin si Venice at ibinaba muna yung mga hawak nya at muling humarap kay Cade.

"Ikaw kasi. Hindi mo dapat ginawa yun sakanya. Kahit papano minaha--" biglang natigilan sa pagsasalita si Venice.

Napangisi naman si Cade at umiling.

"I know. You don't have to say it all over again. I'll see you outside." sabi na lang ni Cade at nauna nang lumabas nung set.

Bigla namang nalungkot ang mukha ni Venice. Simula kasi nung makita nyang muli si Rave ay biglang nagbago ang pakikitungo nya kay Cade.

Si Caden DeSimone. Ang lalaking minahal nya noong mga oras na nagkalayo sila ni Rave. Nung panahong na nasa Italy sya. Hindi rin nya alam kung papaano nahulog ang loob nya kay Cade. Pero siya lang kasi noon ang tanging nakakaintindi sakanya noong lugmok na lugmok sya sa problema.

HSMS2: Only One YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon