Chapter 29

21.1K 254 52
                                    

[THIRD]

"What the? Look who's here!" gulat na sabi ni Pollo nung makita nya si Rave na papunta sa kinauupuan nila sa JYJ Bar.

"Dude, akala ko ba pass ka muna?" dagdag nito. Pero hindi siya pinansin si Rave at inagaw lang nito ang beer na hawak-hawak nya.

Ngumisi si Ares at umiling. Hindi na lang siya umimik, dahil alam na nya ang dahilan kung bakit parang wala nanaman sa mood si Rave.

"Hey, Dude! Need some more beers?" nakangising tanong ni Ares kay Rave, pero hindi rin siya nito pinansin at tumungga ulit ng beer.

"Haha. Silence means yes." dagdag ni Ares sabay angat ng isang kamay nya para tumawag ng Server.

Ilang saglit lang ay may lumapit na sakanilang babae. Binati naman sila nito kagad.

"Good evening boys! What can I do for you?" tanong nito habang nakapamaywang sa harap ng table nila. Sobrang lapad ng ngisi nito lalong lalo na nung makita nyang nandun si Rave Shinn.

"Your boss here need some more beers. Give him a hard one!" sabi ni Ares na nakaakbay kay Rave sabay kindat sa Server.

"Okay? Sure ka ba dyan? As long as I can remember, hindi kayang ma-handle ni Mr. Shinn ang hard drink." taas kilay na sabi nito kay Ares.

"Just give him his request sexy." sabi ni Pollo sabay tapik sa butt nung babae na ikinagulat naman nito.

"Sure. Whatever you say." may pagkamalanding sabi nito kay Pollo sabay kindat at dumeretso na sa may Counter para sa drinks nila.

"What the hell was that?" takang tanong ni Ares. Hindi pa rin maalis sa mukha nito ang pagkamanghasa nakita nya.

"Tch, girls!" pagyayabang ni Pollo sabay ngisi.

"Fck you! Edi ikaw na talaga!" sabi ni Ares sabay bato nung tissure na nahagilap nya sa table nila kay Pollo.

Natigilan sila at sabay na nanlaki ang dalawang mata nang biglang may inilapag si Rave sa table nila ng padabog.

Isang baril.

"I'm going to kill that motherfcker! I swear to God, I'm going to kill him." inis na bulong nito sabay masahe sa noo nya.

 Hindi kagad nakaimik yung dalawa at nagkatinginan lang sila.

"Dammit!" bulalas ni Rave sabay hampas sa table nila.

"Yow Dude! C-Chillax.." medyo takot na pagkasabi ni Pollo sabay tingin ulit kay Ares.

"Rave, Dude.. you wanna talk about it? Makikinig kami." may pagkamahinahong sabi ni Ares dito. Pero sa loob loob nya ay kinakabahan na ito.

HSMS2: Only One YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon