Chapter 28

30K 259 34
                                    

[VENICE]

Ilang oras na lang at malapit na akong sunduin ni Joe. Sa totoo lang halo-halo na ang emosyong nararamdaman ko. Excited akong makauwi at makasama si Raine pati na rin si Rave pero at the same time kinakabahan ako kasi kani-kanina lang at nakatanggap ako ng text message mula kay Cade. Gusto nyang magkita kami mamaya, bago sya lumipad papuntang Hongkong para sa isa sa Project nya.

"Nice!"

Halos mapatalon ako sa gulat nang may tumawag sakin mula sa pinto ng Office ko. Kagad akong napatingala dito at kumunot ang noo ko.

"Olene? Akala ko ba uuwi ka muna sainyo? Bakit nandito ka pa?" takang tanong ko.

Biglang nagiba ang ekspresyon ng mukha nya. Parang may malalim itong iniisip. Bakas din dito ang pagkatakot. Hindi ito ang Olene na nakilala ko noon.

Napatayo ako ng di oras at nagmamadaling lumapit sakanya. "What's wrong?"

Napabuntong hininga sya habang hindi na magkandaugaga sa paglaro ang mga daliri nya.

"I can't do this Nice. Hindi ko pa kayang harapin si Daddy."

Napabuntong hininga na lang din ako sabay niyakap sya. "It's okay. Breathe Olene, breathe."

Nung magkahiwalay na kami ng yakap ay medyo nawala ang takot sa mga mata nya.

"Can you come with me?" tanong nya.

Hindi na ako nagdalawang isip pa. I said yes to her. Kailangan ko na lang munang sabihan si Cade lalong lala na si Rave.

Muli, napabuntong hininga ako. "Nica." tawag ko sa P.A ko.

"Yes, Ms. Austria?" bungad nya sakin nung pagkapasok nung Office ko.

"Aalis na muna ako. Ikaw na muna ang bahala dito. Kung may problema, tawagan mo lang ako okay?"

Tumango lang siya sakin at hindi na nya ako hinintay pang paalisin sya.

Dali-dali kong kinuha yung purse ko at cellphone bago hinarap si Olene. "Do you have your car keys with you?" tanong ko.

Mabilis lang siyang tumango. "Okay, let's go."

***

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sakanila. Ako na ang nag-drive, kasi parang wala na sa sarili itong kasama ko.

Pinapasok naman kami kaagad nung Security nila sa may Gate. Pagkapark ko at hindi muna kami lumabas nung kotse nya.

"Ready?" tanong ko sakanya. Alam kong sobrang kinakabahan na sya ngayon. Hindi kasi maganda ang pakikipagusap nya kanina sa Daddy nya. Narinig ko kasi si Olene mula sa C.R ng Office ko, kahit na nakasara na ito.

HSMS2: Only One YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon