Chapter 45

10.8K 273 43
                                    

[THIRD]

Nagmamadaling makabalik ng Beach House si Rave para may kunin na isang mahalabang bagay. Halos businahan na sya at sigawan ng mga nakakasabay at kasalubong nyang sasakyan dahil sa sobrang bilis nitong pagpapatakbo. Wala na itong pakialam sa paligid nya, basta ang gusto nyang mangyari ay makuha ang bagay na iyon.

Ilang minuto pa ng pagmamaneho nya ay nakarating na sya sa Beach House. Hindi na nga sya nakapagpark ng maayos dahil dali-dali itong pumasok ng Elevator.

Pagkaakyat nya ay kagad naman syang napansin ni Raine. Tumakbo ito palapit sana sakanya pero mabilis ang galaw ni Rave. Nakaakyat na ito kagad sa ikalawang palapag ng bahay nya hanggang sa makapasok na siya sa kwarto.

Pagkapasok nya sa loob ay kagad syang dumeretso sa bedside table nya at binuksan ito. Huminga siya ng malalim bago kinuha yung isang bagay na iyon at tsaka inilagay nya ito sa likuran nya.

Halos magulat ito nang mapansing nakasilip sa may pinto si Raine. Mahahalata mo sa mukha nya yung takot. Siguro ay natakot ito sa kung ano man yung bagay na kinuha ni Rave.

"R-Raine... baby.." sambit ni Rave nung makalapit sya dito. Pumaibaba sya para magkapantay silang dalawa ni Raine.

Titig na titig lang si Raine sakanya. May halo itong pagtataka. Pero kahit na i-explain ni Rave kung ano man ang binabalak nyang gawin ay hindi iyun maiintindihan ni Raine.

"Daddy's busy right now... I'll get back to you okay? You go to sleep." malumanay na pagkakasabi ni Rave kay Raine sabay halik sa ulo nito.

Hinawakan nya ang isang kamay ni Raine hanggang sa makababa na sila sa may Sala.

"S-Sir.. a-aalis po ba kayo ulit? Si Ma'am Venice po kamusta na?" tanong nung Yaya ni Raine.

"Yes, I'm going out. And Nadine is in good condition now. Please, take Raine now to her bed." sabi nya sa Yaya ni Raine.

Bago siya tuluyang makaalis ay muli nyang hinalikan si Raine sa ulo at niyakap pa nya ito.

***

Hindi pa kagad bumababa ng kotse si Rave. Natanaw lang ito sa labas ng bintana habang nakakapit ng mahigpit sa steering wheel nya.

Ilang minuto pa ang lumipas ay nandun pa rin sya sa loob ng kotse. Napansin nyang mukhang nakita na sya nung mga bodyguards doon kaya naman dali-dali na syang bumaba at humarap sakanila.

"Sir Rave.."

Hinarangan kagad sya ng dalawang bodyguard nang makalapit si Rave sa may Gate.

"Move." utos ni Rave. Pero hindi gumalaw yung dalawa. Nakaharang lang sila doon.

HSMS2: Only One YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon