Chapter 50 (Part 1)

11.1K 247 28
                                    

[VENICE]

I was preparing to go back to my Boutique when my phone rang.

Napangiti ako at napailing ng ulo nang makitang si Rave ito.

"Miss me already, Mr. Shinn?" Nakangising tanong ko.

"Always Nadine, always."

Lalong lumapad ang mga ngiti ko sa labi nang marinig 'yun.

"Ikaw talaga! Kakaalis mo pa lang ah?" Sabi ko habang hinahaplos ang tiyan ko.

"Do I have to repeat myself again, Mrs. Shinn?"

Bigla akong natawa nanaman dahil sa tono ng boses nya. Imbes na mainis ako dahil nainis sya, mas lalo akong natutuwa.

"Future, Rave! Sige na hindi na." Sabi ko na lang para matahimik na siya.

Ilang segundong natahimik siya bago ulit sya nagsalita.

"Nadine..." panimula nya. Biglang naging seryoso ang boses nito. "Please take care of yourself okay? I'm still going to marry you."

Naglaho ang ngiti ko sa labi at napatingin sa bag ko.

Kanina kasi bago umalis si Rave ay may iniwan siya sakin isang mahalagang bagay na makakaprotekta raw sakin kahit na mag-isa lang ako.

"Nadine?"

Natigil ako sa pag-iisip nang marinig ko ang boses nya.

"Of course, Rave... I will." Pilit ang ngiti kong sabi. "You've thought me well on hoe to depend myself when we were in Virginia."

"Okay. I just want to remind you again."

"Don't worry Rave, kaya ko sarili ko." Pag-rereassure ko sakanya.

Pagkasabi ko nun ay narinig ko sa kabilang linya ang boses ni Miles. 5 minutes na lang daw at magsisimula na yung pres-conference.

Naalala ko nun, nung time na nasa Virginia pa kami... kaya kami napauwi ng Pilipinas ay dahil tumawag si Miles sakanya. Ang sabi, biglang binitawam na lang basta basta ng Daddy nya yung AK Ent. Ang maganda dun ay noong itinayo ng Daddy nya yung AK Ent ay nakasulat sa contract na once na iwanan nya ito, ang buong AK Ent ay mapupunta kay Rave.

"I gotta go, Nadine. I'll call you right after."

"Okay. I love you." Sabi ko sabay napahawak ng mahigpit sa phone ko.

"I love you more..."

Pagkasabi nya nun ay naputol na ako linya.

HSMS2: Only One YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon