Chapter 25

23.5K 251 43
                                    

Pasensya talaga guys kung late na ako nakakapag-Update. Super busy lang talaga ako, family stuff kasi so ayun. Sana maintindihan nyo. Hindi ko pa ulit alam kung kailan ang next update, pero pipilitin ko kapag nagkaspare time ako. Kk? Thanks guys! :)

***

[THIRD]

"GODDAMMIT!" sigaw ni Manager E. "What the fck is going on here?!"

Parehong tahimik lang sina Rave at Cade habang patuloy lang sa pagsesermon si Manager E sakanilang dalawa.

"Mabuti na lang talaga at ipinasara ko kanina yung beach side na yun sa public, kung hindi... God! I don't know what to do with you anymore Rave!"

"What? Why me?" inis na tanong nito. Bigla syang napangiwi nang sinimulan na linisin ni Gwen yung pumutok nyang labi.

"Ssshhh.. wag kang malikot." pagsuway ni Gwen dito habang patuloy lang ito sa pagpahid ng betadine.

"Cade?" pagbaling ni Manager E dito.

Pero hindi ito umimik. Nakatingin lang ito sa ibang direksyon.

Napabuntong hininga na lang si Manager E. "Fine! Kung ayaw nyong pagusapan ito ngayon, free ako pagkabalik natin sa Manila. I really wanna know what's going between the two of you! Good thing, tapos na ang shooting."

Magsasalita pa sana ulit si Manager nang biglang bumukas yung pinto ng kwarto nila Rave. Sabay sabay silang napatingin nang pumasok si Venice.

Tumaas bigla ang kilay ni Manager E at biglang napaisip.

"You.." turo nito kay Venice. "Let's talk now, outside."

"Okay, let's talk. Pero gagamutin ko lang muna si Cade." medyo ilang na pagkakasabi ni Venice sabay pakita sa first aide na nahagilap nya.

Naramdaman nyang titig na titig sakanya si Rave, pero pinilit na lang muna nyang umiwas dito at dumeretso sa kinauupuan ni Cade para na rin makaiwas muna ulit sa gulo.

"Sige, I'll wait for you at the pool side." sabi ni Manager E at lumabas na nung room.

"C-Cade.." sambit ni Venice sabay kuha nung bulak. "Sorry.." pagpapatuloy nya sabay hawak sa pisngi ni Cade para makita ang buong mukha nito.

Ngumiti lang si Cade at umiling sabay hawak sa kamay ni Venice. "No baby.. ako dapat ang magsabi nyang sayo.

"Wait Rave! You're not yet done!" sabi ni Gwen. Biglang tumayo na kasi si Rave at dali-daling lumabas nung kwarto.

Mabilis na iniligpit ni Gwen yung first aide. Pero bago pa man sya makalabas ay  sinamaan nya muna si Venice ng tingin.

Nang sumara na yung pinto ay napabuntong hininga si Venice at humarap kay Cade.

"May kailangan ata tayong pag-usapan.." seryosong sabi nito.

HSMS2: Only One YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon