Chapter 12

27.8K 255 49
                                    

SORRY. Yun lang ang masasabi ko sa Chapter na ito. :))

***

[THIRD]

 "Ano hindi pa rin ba sya sumasagot?" tanong ni Olene kay Ares. Kanina pa kasi nila tinatawagan si Ava sa phone.

Umiling lang si Ares at napapikit ng mariin habang nakahawak sa noo nya.

"Sorry Ares.." rinig nyang sabi ni Olene.

"No.. wala kang kasalanan Olene. Ako ang dapat sisihin. Hindi ko dapat sya pinunta muna dito." sabi ni Ares nung pagkamulat nya.

"Go." sabi ni Olene.

Napatingin naman kagad si Ares kay Olene.

"Go. Puntahan mo na sya. Ako na bahala sa loob."

"Are you sure?" kumunot ang noo ni Ares.

Tumango lang si Olene at nagpilit ngumiti.

"Thank you." sabi ni Ares at dali-daling tumakbo papuntang Parking Lot.

***

Pagkarating ni Ares sa may Subdivision nila Ava ay dinahan dahan nya ang pagmamaneho at mabilis nyang inililibot ang mga mata nya sa paligid. Baka kasi makita nya doon si Ava.

Ilang minuto pa ay biglang bumuhos ang malakas na ulan.

"Naman! Umulan pa!" inis na sabi ni Ares sabay napahampas pa sa may manibela.

Kumunot yung noo nya nang may makita syang pamilyar sakanya na naglalakad sa may sidewalk.

"A-Ava.." bulong na sabi ni Ares at nagmamadaling lumabas nung Kotse nya.

"Ava!" tawag ni Ares nung pagkababa nya. Pero hindi tumitigil ito sa paglalakad.

"Ava wait!" tawag muli ni Ares at tumakbo palapit dito.

Hinawakan nya ito sa may braso nya at inikot paharap sakanya. Nagulat naman sya ng makita ang namumugtong mga mata ni Ava. Halatang kanina pa itong walang tigil sa pagiyak.

HSMS2: Only One YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon