Chapter 14

27.9K 274 32
                                    

[AVA]

"A-ahh.. A-aray.." napahawak ako sa ulo habang unti-onti kong minumulat yung mata ko. Sobrang sakit naman ata ng ulo ko. Ano bang nangyari?

Paglingon ko sa kaliwa ko...

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHH!!!" Sa sobrang gulat ko ay naitulak at nasipa ko sya pababa sa kama ko.

Taranta akong sumilip sa kabilang dulo nung kama. Nakita kong nakangiwi sya at nakahawak sa may likuran nya.

"B-Booboo? Waaah! S-Sorry! Nagulat kasi ako na may ibang nakahiga sa kama ko. A-Ano ba kasing ginagawa mo sa kama ko?" sabi ko at dali-dali ko syang tinulungang tumayo.

"Malamang natulog--Aaaah! Sakit ng likod ko." nakangiwing sabi nya habang nakahawak lang sa likuran nya.

Nagmakeface lang ako at kinuha yung suklay ko.

"Wala ba man lang Good morning kiss?" sabi nya sabay lumapit sakin at pinahaba yung nguso nya.

"Oh ayan! Halikan mo!" sinupalpal ko sa nguso nya yung suklay ko at inirapan lang sya.

"Grabe naman! Alam mo bang sobrang nagalala ako kagabi. Nawalan ka ng malay. Hindi naman ako nahirapang buhatin ka kasi ang gaan-gaan mo, kumakain ka pa ba?" kunot noong sabi nya sakin.

"Hah! Anong akala mo sakin patay-gutom? Malamang kumakain ako 'no! Kapal mo ah!" mataray na pagkakasabi ko at nagcrossarms lang.

"Tch, sorry na booboo. Nagaalala lang kasi ako sayo. Pataba ka na kasi!"

Hindi ako sumagot. Bigla ko kasing naalala yung nangyari kagabi. Yung mga sinabi nya sakin.

At sa unang pagkakataon ay nakita ko syang umiyak... nang dahil din sakin.

"...Booboo? Nakikinig ka ba?"

Napaayos ako bigla ng tayo nang marinig ko ang boses nya.

"Bakit namumula ka? May sakit ka ba?" nagaalalang sabi nya sabay inilagay nya yung palad nya sa noo ko.

"O-Okay lang ako! M-Maliligo na ako." sabi ko na lang sabay tabig sa kamay nya at nagmamadaling pumasok nung CR.

Pagkasara ko nung pinto nung banyo ko at napasandal ako dito. Pinakiramdaman ko yung puso ko. Grabe! Sobrang bilis ng tibok nito. Nakakainis! Kahit anong pigil ang gawin ko at kahit anong galit ko pa sakanya, mahal ko talaga yung lokong yun.

***

Pagkatapos kong maligo ay sya na ang sumunod. Merong nakalagay sa may Study table ko na damit. Damit ni Kuya Dar. Mag kasing laki kasi sila kaya pinahiram muna sya nito.

Sabi nya nahimatay daw ako kagabi.

Naalala ko na. Hindi pa kasi ako nun kumakain nung pumunta kami dun sa Restaurant. Sabi kasi nya dinner daw yun kaya hindi ako kumain. Ayun, nalipasan siguro ako ng gutom kaya nawalan ako ng malay.

Napalingon ako nung bumukas yung pinto ng banyo ko. Pero umiwas kagad ako ng tingin nang makitang nakatapis lang sya ng towel.

"U-Uyyy! A-Ano bang ginagawa mo ha! M-Magdamit ka nga! Baka mamaya kung ano pang isipin nila Mama at Papa pati nila kuya!" nauutal na sabi ko habang nakatalikod sakanya.

Naipaypay ko yung kamay ko at huminga ng malalim. Grabe! Parang hihimatayin ulit ako.

Naramdaman kong papalapit siya sakin kaya naman pumikit ako. Narinig ko syang tumawa ng mahina nung nakuha na nya yung damit sa may Study Table ko.

"Tatawa-tawa ka dyan! B-Bilisan mo na magbihis!" utos ko at mas lalong pumikit ng mariin.

"Okay na." rinig ko na sabi nya. Kaya naman unti-onti akong humarapa at iminulat yung mata ko.

HSMS2: Only One YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon