Chapter 15

27K 229 46
                                    

Pasensya kung ngayon ko lang ito na i-post. Naging busy lang ako last week. Dapat kagabi kaya lang nagloko si Watty. Anyway, Enjoy reading :)

***

[VENICE]

Nagmamadali akong umakyat papuntang kwarto ni Raine. Mukhang hindi ko rin naman makakausap si Rave ng matino dahil mukhang nabigla rin ito sa sinabi ko.

Pagkapunta ko sa harap nung pinto ay dinahan-dahan ko itong pinihit. Nang mabuksan ko na ito ay sumilip muna ako sa loob. Wala sya sa kama. Wala rin sya sa may bintana. Kaya naman pumasok na ako ng tuluyan at inilibot ko ang mga mata ko sa buong kwarto. Napabuntong hininga na lang ako nang makitang hindi masyadong nakasara yung Closet nya.

Naglakad ako papunta doon at dinahan-dahan muling binuksan ito.

Nakita ko syang nakaupo doon yakap-yakap ang paborito nyang stuff toy. Nang makita nyang nabuksan yung Closet ay iniangat nya ang ulo nya. Ilang segundo kaming nagkatitigan.

Huminga muna ako ng malalim bago nagbend down para magkatapat lang kami. Inilahad ko yung kamay ko sakanya na may lamang Hearing Aid. Pero tiningnan lang nya ito at umiling lang sya. Nakita kong humigpit ang pagkakakapit nya sa stuff toy nya.

Hindi ko alam kung anong iniisip nya ngayon. Kaya naman ay hinila ko na lang sya at niyakap ng mahigpit.

Pagkahiwalay namin ay ako na ang naglagay nung Hearing Aid nya. Hinaplos ko ulo nya at ang magkabilang pisngi nya bago hinalikan sa noo.

Nag-sign language ako kung OKAY lang sya. Pero nakatitig lang sya sakin.

"Baby... are you mad at me?" tanong ko. Pero hindi sya ulit sumagot at tumingin lang sa stuff toy nya.

Napabuntong hininga na lang ako at nagpipigil na maiyak. Matalinong bata si Raine. Alam kong nabasa nya ang lahat ng mga nasabi ko kanina kay Rave. Hindi ko tuloy alam ngayon kung anong nararamdaman nya.

Kinuyom ko ang kanang palad ko at itinapat ito sa dibdib ko. Pagkatapos ay ipinaikot ikot ko ito sa dibdib ko. Sign language iyon na 'I'M SORRY."

At maya maya lang ay tumingin sya sakin at tumango. Napangiti naman ako at muli syang niyakap.

Pagkahiwalay namin ay nakita kong nagsign language din siya. "Can I ask you something Mommy?"

Bigla naman akong kinabahan. Pero sa loob loob ko ay alam ko na ang itatanong nya.

HSMS2: Only One YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon