Chapter 36

14.6K 245 34
                                    

[VENICE]

Nagising ako sa pagring ng phone ko. Nakatulog pala ako kakaintay kay Rave dito sa Sofa. Sasagutin ko na sana ito nang biglang nawala. Ni-check ko kung sino ito, si Ares pala. Bakit kaya?

Napabuntong hininga ako nang makitang 4:30am na pala. Grabe, ganun katagal nawala si Rave?

Maya maya ay nagring ulit yung phone ko. Kagad ko na itong nasagot.

"H-Hello? Ares?"

[Venice! Sumagot ka rin! Si Rave kasi.]

Napaupo naman ako ng di oras nang marinig ang pangalan ni Rave. 

"B-Bakit? A-Anong nangyari kay Rave?" nagaalalang tanong ko.

[Tangina, sobrang lasing nanaman! Sorry Venice ah, hindi ko kasi talaga siya mapigil eh. Medyo may tama na rin ata ako. Pwedeng pasundo na lang? O di kaya pasundo dun sa Bodyguards ni Rave.]

Kagad akong tumayo nang sabihin nya iyon. "S-Sige, ako na ang susundo. Just stay there and wait for me."

Pagkasabi ko nun ay ibinaba ko na kagad yung tawag at nagmamadaling pumunta ng kwarto ni Rave para kunin yung susi ng isa nyang kotse.

Pagkaakyat ko ay bigla akong nakaramdam ng pagsusuka. Shit! Ngayon pa!

Napahawak ako sa tiyan ko pati sa bibig ko. Ano ba! Hays.

"Shit.." bulong ko habang nakayoko lang sa lababo nagaantay ng maisusuka pero wala naman.

Ngayon pa talaga sumama pakiramdam ko kung kailan kailangan ako ni Rave. Pinakiramdaman ko muna ang sarili ko bago ako tuluyang makababa sa Basement.

Pagkababa ko ay nakita ako ni Joe.

"Ms. Austria? Saan po kayo pupunta?" tanong nya kagad sakin.

"Susunduin ko lang si Rave, lasing nanaman kasi siya." sabi ko habang patuloy lang sa paglalakad papunta sa Range Rover ni Rave.

Isa ito sa Private Car nya kaya hindi ito kilala. Hindi rin nya ito madalas ginagamit kaya safe kung ito ang gagamitin ko.

"Kami na lang po Ms. Austria ang susundo, magpahinga na lang po--"

"It's okay Joe. Kaya ko. Ako ang kailangan nya ngayon." sabi ko sabay pindot nung susi para bumukas yung pinto nung kotse.

Hindi na umimik si Joe. Pero alam kong susundan ako nyan. Hays, wala na akong time para makipagtalo pa sakanya. Sundan man nya ako o hindi, kailangan ko nang masundo si Rave.

***

Naging mabilis naman ang biyahe papuntang JYJ Bar. Madaling araw pa lang kasi kaya wala pang masyadong sasakyan sa daan.

Pagka-park ko ay kagad kong tinawagan si Ares para malaman kung asan sila. Kagad naman itong sumagot ay sinabing nasa may Backdoor sila nung Bar. Doon kasi madalas sila nalabas dahil wala masyadong tao doon.

Pagkarating ko dun ay nakita kong nakayuko sa  isang gilid si Rave. Sumusuka ito. Mabilis akong lumakad palapit sakanya at hinagod ang likod nya.

"A-are you okay?" nagaalalang tanong ko. Nagpapalit-palit ang tingin ko kay Rave at kay Ares.

Si Ares naman tahimik na. Feeling ko may tama na rin ito. Nakatayo lang ito sa likod ni Rave at nakapamaywang habang pinapanuod na sumuka ito.

Nagangat naman ng kamay si Rave, pinapalayo nya ako.

"No, I'll stay here." kunot noong sabi ko sabay hagod ulit sa likod nya.

"Damnit.." rinig ko na bulong ni Rave. Umayos na ito ng pagkakatayo pero naout of balance ito.

HSMS2: Only One YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon