Chapter 16

26.7K 238 44
                                    

[VENICE]

Kanina ko pa tinititigan yung cellphone ko. Nagdadalawang isip ako kung tatawagan ko ba si Rave o hindi.

Alam kong galit pa rin sya sakin dahil sa nangyari kahapon. Pero hindi ko na kaya pang itago sakanya. Dahil alam kong malalaman at malalaman din nya ang lahat.

Tumingin ako sa Wall Clock 8:30am pa lang. Alam ko 9am sya madalas nagigising.

"Baby?" rinig ko na tawag sakin ni Cade.

Oo nga pala, medyo okay na kami. Nagpapansinan na ulit kami. Hindi na nya ulit iniopen sakin yung tungkol sa kasal, dahil alam kong alam nyang ma-isstress lang ako kakaisip.

"You want me to drive you to work?' tanong nya sakin.

Umiling lang ako at nagpilit ng ngiti. Kaya tumango na lang sya at ngumiti rin.

"Okay. I have to go. I'll see you later." pagpapaalam nya sakin sabay halik sa pisngi ko.

Napabuntong hininga na lang ako sabay tingin ulit sa cellphone ko.

"Ma'am, tulog pa po si Raine. Ako na po bahala sakanya." sabi sakin nung Yaya ni Raine.

Dito na kasi muna raw kami pansamantala titira hanggang wala pa si Tito.

"Okay sige. Tawagan mo na lang ako kung may problema ha." sabi ko sa Yaya ni Raine at kinuha ko na yung purse ko.

Lumabas na ako nung bahay at dumeretso sa kotse. Magpapahatid na lang ako sa driver ko papunta kanila Rave.

***

Nandito na ako sa labas nung gate ng bahay ni Rave. Pero hindi pa ako nalabas nung sasakyan. Hindi ko alam kung ano bang ginagawa ko dito. Pero gusto ko kasing makausap sya at maayos na ang lahat.

"Manong, pakihantay ako ah. Sandali lang ako." sabi ko sa Driver ko at lumabas na nung kotse.

Huminga muna ako ng malalim bago nagsimulang maglakad papapasok nung gate.

Napansin kong nandito na yung ibang tauhan nya. May mga hardinero na kasi at may mga naglilibot na mga bodyguards nya. Binati naman nila ako isa-isa. Medyo nahiya ako kasi naman, parang kilalang kilala na nila ako.

Nandito na ako sa may Main Door. Pipindutin ko na sana yung doorbell nang biglang bumukas ito.

"A-Ahh.. Hi.. Good morning. Nandyan ba si Rave?" tanong ko dun sa kasambahay nya.

Medyo parang nagulat pa nga ito nang makita ako eh. Ewan ko kung bakit. Hmmm?

"G-Good moning Ms. Austria. A-Ahhh.. S-Si Sir po ba? A-Ano po tulog pa siya eh." parang nauutal na sabi nya.

Tumingin ako sa wrist watch ko. 9:10am na ah.

"Ganun ba? Pwede bang pumasok? Mahihintay ko naman sya eh. May kailangan lang kasi kaming pagusapan." sabi ko.

Napansin kong napatingin muna sya sa likuran nya bago muling tumingin sakin.

"Sige po. Pero dito muna po kayo maghintay. E-Eh hindi ko pa kasi nalilinis yung Living Room." sabi nya habang itinuro yung isang sofa malapit sa may Main Door.

Hindi ko alam kung anong meron pero tumango na lang ako at umupo muna doon. Pinagmasdan ko na lang syang maglakad ng mabilis papasok nung Living Room.

Napailing na lang ako at itinuon na lang ang atensyon ko sa cellphone ko.

Pero ilang minuto pa ang lumipas, hindi na talaga ako nakatiis pang mahintay doon. Kaya naman tumayo na ako at pumasok na nung Living Room.

Kumunot yung noo ko nang makitang parang natatarantang yung kasambahay ni Rave habang naglilinis doon.

HSMS2: Only One YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon