Chapter 20

27.4K 248 29
                                    

I'm sorry guys kung ngayon ko lang ito na-post. Nagloloko nanaman lappy ko. Anyways, enjoy! :)

***

[VENICE]

Nagising ako nang may marinig na tunog ng mga plato at kung ano pang utensils na nagmumula sa labas nung kwarto.

Huminga muna ako ng malalim at napangiti. Nasa ibabaw pa rin pala nya ako. Ramdam ko ang pagtaas at pagbaba ng dibdib nya.

Iminulat ko na ang mga mata ko para silipin sya. Muli akong napangiti. Sobrang himbing pa rin ng pagkakatulog nya. Hinalikan ko muna sya sa dibdib bago dahan-dahang tumayo. Nakagat ko ang ibabang labi ko nang tumambad sakin ang buong katawan nyang walang kahit anong saplot.

"Raiden Venedict Salazar Shinn.." nakangiting sambit ko sabay dampot  nung nahulog na kumot sa sahig at ikinumot ko ito sakanya.

Pagkatapos ay kinuha ko naman yung damit na pinahiram sakin kagabi. Naalala ko nga pala, wala akong suot na bra. Napakamot na lang ako sa ulo ko at isinuot na lang ito. Tutal itim naman ito, hindi naman mahahalata.

Bago ako tuluyang lumabas nung kwarto ay muli ko syang sinilip. Biglang nagflashback lahat ng nangyari kagabi at naramdaman kong uminit bigla ang mukha ko. Kaya naman iniling ko na lang yung ulo ko at lumabas na nung kwarto.

"Good morning!" rinig ko na bati sakin nung babaeng nagpahiram sakin ng damit. Hindi ko pa pala natatanong kung anong pangalan nya. "Tara, kain na!" dagdag nya sabay turo sa lamesa.

Tumango na lang ako sabay ngiti. Bago pa man ako makalapit sa lamesa ay bigla akong nahiya sa kanila. Hindi ko alam kung narinig ba nila kami kagabi o hindi.

"Nasan yung asawa mo? Tulog pa ba?" nakangiting tanong nya sakin nung pagkaupo ko.

Bigla naman bumilis yung tibok ng puso ko sa sinabi nya at hindi kagad ako nakasagot. Hindi ko rin kasi alam kung anong sasabihin ko. Oh my God lang! Siguro ay narinig nga nila kami.

"A-Ahh.. h-hindi ko sya asawa.." medyo ilang na sabi ko at tumingin na lang sa ibang direksyon.

"Ahh.. ganun ba.." sabi nya at tila parang nag-iisip ito. "Alam ko na, boyfriend?" tanong nya ulit.

Hindi na lang ako sumagot at nagpilit na lang ng ngiti. At pagkatapos ay ilang minuto kaming natahimik habang nagsimula ng kumain.

"Ano pa lang pangalan mo?" paninimula nanaman nya ng usapan. Oo nga pala, hindi pa rin pala ako nagpapakilala sakanila.

HSMS2: Only One YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon