Chapter 10

29.3K 248 29
                                    

[AVA]

Bakit ganun? Mag-iisang oras na hindi pa sya nalabas nung kwarto nya?

Hindi kaya...

Napatayo na ako sa kinauupuan ko at akmang kakatok nung kwarto nya nang biglang bumukas ito.

"O! Teka! Ano nanaman yan ha? Babangasan mo nanaman ako sa mukha?" nanlalaking matang tanong sakin ni Ares.

Napapout ako at ibinaba kagad yung kanang kamay ko.

"Eh kasi ang tagal mong lumabas. Akala ko.. hays! Yaan mo na nga!" sabi ko at umupo na lang ulit sa sofa.

Narinig ko syang tumawa.

"Akala mo may babae na ako? Ganun?" nakangising sabi nya sakin nung tumabi sya sa kinauupuan ko.

Tumingin lang ako sakanya habang nakapout.

"Ano ka ba.." sabi nya sabay hawak sa kamay ko. "Ikaw lang ang babae ko. At ikaw lang ang pakakasalan ko." dagdag nya.

Pero parang nagbago yung expression ng mukha nya nung banggitin nya yung salitang "KASAL".

"Promise?"

Tumango lang sya at ngumiti.

"Booboo, mamayang 7pm pala susunduin kita sainyo ah. Gusto ko magsuot ka ng maayos." rinig ko na sabi nya.

Nagtaka naman ako. Bakit? Saan kami pupunta?

"Bakit booboo? Saan tayo pupunta?" kunot noong tanong ko.

"Basta. Sumunod ka na lang." sabi nya at hinila nya ako para yakapin.

Hindi ko alam pero parang kinakabahan ako. Sana lang ay may magandang mangyari kung san man kami pupunta mamaya.

***

[THIRD]

"Dude? Baka gusto mong magpahinga muna? I got some beers!" sabi ni Pollo nung pagkapasok nya ng Studio.

HSMS2: Only One YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon