Chapter 21

27.3K 256 35
                                    

[VENICE]

Habang papalapit kami ng papalapit sa bayan ay ramdam kong humihigpit naman ng humihigpit ang pagkakakapit ni Rave sa kamay ko.

Napatingin ako sakanya. Kinakabahan siya. Bakit?

Kaya naman hinaplos ko yung kamay nya. "Hey, are you okay?" tanong ko. Napatingin lang siya sakin at tumango. Pagkatapos ay naglean forward siya para mahalikan nya ako.

"It's okay." sabi ko nung magkahiwalay ang mga labi namin. "Wag kang kabahan." pagrereassure ko.

Sa totoo lang ay kinakabahan din ako. Pero ayokong ipakita ito kay Rave dahil mas lalong kakabahan lang ito at baka magpanic pa.

Napatingin na lang ako sa may bintana at huminga ng malalim. Hindi pa pala kami nakakapagusap ni Rave. Yung seryosong usapan tungkol SAMIN at tungkol kay Raine. Gusto kong maging okay na kami. I know mukhang malabo dahil sobrang gulo pa ng nasa paligid namin. Pero kung gugustuhin talaga namin na maging okay, madaming paraan.

Lalong-lalo na kay Raine. Gusto kong maging maayos ang buhay nya. Ayokong maranasan nya ang narasan at nararanasan namin ngayon ni Rave.

Ilang minuto pa ay natatanaw ko na yung Hotel. Napatingin muli ako kay Rave at nakita kong nakapikit ito. Tila parang may iniisip na malalim.

"Anong meron? Bakit ang daming tao at pulis?" rinig ko na sabi ni Kuya Fernan.

Maraming tao? Pulis?

Bigla akong napasilip muli sa labas. Sobrang daming media nga doon at pulis. Oh my God! Hindi kaya nalaman nila na nawawala kami.. I mean si Rave, alam nyo na kasi mas kilala siyang tao.

"What the fck is happening?" mahinang pagkakasabi ni Rave.

"I don't know. Siguro nalaman nilang nawawala ka. Bakit kailangang may media?" medyo natatarantang pagkakasabi ko.

"Is there any other way? We can't go in there." sabi ni Rave kay Kuya Fernan.

Ilang minutong natahimik si Kuya Fernan. Nagiisip ito.

"Ahh! Alam ko na. May daan sa likod. Panigurado walang nakakaalam nun." sabi ni Kuya Fernan at pinaikot na yung sasakyan.

Nakita kong napasandal si Rave sa kinauupuan nya at napabuntong hininga. Kahit ako nakahinga ng maluwag.

"We have to tell your Manager. Pahiram ako ng phone mo." sabi ko kay Rave sabay lahad nung kamay ko. Lowbat na kasi yung phone ko.

"Shit.." mahinang sambit ni Rave sabay naihilamos nya yung isang kamay nya. "It's in the car. Fck, I totally forgot about that."

"Ganun ba? Okay lang. Basta pagkarating natin dun, ako muna ang lalabas. Para makita kong walang media." sabi ko sakanya sabay hawak ulit sa kamay nya.

HSMS2: Only One YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon