Chapter 38

13.3K 285 37
                                    

[VENICE]

Hindi ako makahinga ng maayos. Kanina pa paulit-ulit sa isip ko yung text message sakin ni Ava.

Bakit ganun?

"Bwisit!" bulalas ko sa kawalan at huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Nakahawak lang ako sa dibdib ko.

Walang tigil pa rin sa pagpatak ng mga luha ko. Naiinis ako. Sa sobrang inis ko gusto kong tumalon dito at magpakalunod na lang sa Dagat.

Maya maya lang biglang nanlaki ang dalawang tainga ko sa narinig ko. Tumunog yung Elevator Foyer. Ibig sabihin, nandito na siya.

Kaya naman inayos ko na ang sarili ko at dali-dali kong pinunasan ang luha ko gamit ang palad ko.

Pagkapasok ko sa loob ay nakita kong parang natatarantang naghahanap si Rave. Narinig ko pang tinanong nya si Lily kung asan ako. Napangiti ako ng mapait sabay punas ulit sa luhang tumakas mula sa mata ko. Kailangang hindi nya ako makitang ganito.

"N-Nadine.."

Nagkasalubong ang mga mata namin. Hingal na hingal ito at may bitbit pang isang bouquet ng Roses.

"Nadine.. I-I'm sorry for being late.. It just that--"

Naputol yung sasabihin nya nang nag-angat ako ng isang kamay sabay iling.

"B-But.." sabi nya sabay tingin sa bitbit nyang Bouquet at muling nag-angat ng tingin sakin.

"It's okay." matabang na pagkakasabi ko habang pilit kong pinipigilang umiyak sa harap nya.

Lumapit siya sakin sabay abot nung Bouquet at muling nagsorry. Pero tinitigan ko lang ito.

"I know I've said this a million times already Nadine.. but I really am sorry. Naging busy lang talaga kanina."

Napatingin naman ako kagad sakanya. Busy? BUSY KAY GWEN PWEDE PA! Gustong gusto ko yang isigaw sakanya pero pinipigilan ko lang talaga ang sarili kong magwala.

"Nadine.. please.." pagmamakaawa nya sakin, pero umiling lang ako sabay atras ng bahagya.

"No." madiin pero mahinang sabi ko.

"Please.." ulit nya. Pero nagmatigas pa rin talaga ako.

"I said no!" medyo tumaas ang boses ko. Nakita kong nagulat din sya sa pagtaas ko ng boses.

Kaya naman huminga muna ako ng malalim at dumeretso sa may Living Room kung nasaan si Raine at Lily.

Nakita kong busy pa rin sila sa panunuod. Medyo nakahinga ako ng maluwag doon kasi hindi nila narinig ang pagtataas ko ng boses.

HSMS2: Only One YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon