Chapter 9

28.7K 220 37
                                    

[VENICE]

Kanina pa ako wala sa sarili. Hindi pa rin talaga magsink-in yung sinabi kanina sakin ni Cade.

Kasal? Bakit kasal? Oo matagal tagal na rin kaming nagsasama, pero ni minsan wala pa syang nababanggit sakin na gusto nya akong pakasalan.

Ano 'to surprise? Kung surprise nga ito, sobrang nasurprise talaga ako. As in gulat na gulat! Wala akong kaalam alam.

Nandito ako ngayon sa Condo ni Olene. Gusto ko munang makapagisip-isip ng wala si Cade sa tabi ko.

"Want a drink?" tanong sakin ni Olene.

Tumango lang ako at minasahe ang noo ko.

"Oh my God lang ah! Kasalan everywhere?" sabi ni Olene pagkabalik nya sa Sala na may bitbit na bottle beers.

"You cannot believe this Nice. Sa dinami dami ng lalaking ipapakasal sakin.. si Ares Kang pa!" inis na inis na sabi ni Olene sabay inom nung bottle beer.

Kamuntikan ko ng maibuga yung iniinom ko.

"A-ano? Si Ares? Y-yung isa sa friends ni Rave?" nanlalaking matang tanong ko.

 Tumango lang si Olene at napabuntong hininga.

"Hindi ko na talaga alam pa ang gagawin ko. Minsan nga naisip kong magpakalayo-layo na lang kami ni Law. Pero pagagalitan lang ako nun." malungkot na pahayag ni Olene.

Ibinaba ko muna yung bote sa center table at hinawakan ang kamay ni Olene.

"Alam kong mahirap ang pinagdadaanan mo. Ramdam kita. Ganyan din ako ngayon." sabi ko sabay napabuntong hininga rin nung maalala nanaman yung Kasal na yan.

"Sorry babe kung nabigla ka. I just want it to be a Surprise."

"Matagal ko na talagang planong magpropose sayo nung na sa Italy pa lang tayo."

"I love you babe you know that. And I want to be a part of your life and Raine."

Nagflashback lahat ng yan sa isip ko.

Oo, mahal ko si Cade. Natutunan ko syang mahalin sa loob ng 3 taon naming pagsasama. Siya ang naging sandalan ko nung mga oras na sobrang down ako. Siya rin ang nasa tabi ko nung mga oras na ipinagbubuntik ko si Raine. At siya rin ang nakilalang Ama nito.

Noong una ay natatakot akong mahulog sa ibang tao. Dahil nakapangako ako sa taong mahal ko... kay Rave... na aantayin ko sya.

Pero nabigo ko sya. Tuluyan ng nahulog ang loob ko kay Cade noong mga araw na iyon. Mabait si Cade, mapagaruga, maaalahanin. Dahil sa katangian nyang iyan, sa isang iglap lang ay nakalimutan ko na ang unang mahal ko.

Pero ngayon.. ngayong bumalik na ako dito sa Pilipinas. Parang unti-onting bumabalik ang lahat.

Simula nung makita ko syang muli, hindi na magkandauga-ga pa ang isip at puso ko. Siya na lang ng siya ang laman nito.

"Nice?"

Natauhan na lang ako nang marinig ang boses ni Olene. Kanina pa pala nya ako tinatawag.

"H-Huh? B-Bakit?" tanong ko sabay ayos sa sarili ko.

"Kanina ka pa kasi tulala diyan. Okay ka lang ba talaga?" takang tanong sakin ni Olene.

Tumango na lang ako at nilaro ang mga daliri ko.

"Sure?"

Mabilis ulit akong tumango at napasandal sa sofa.

"O-kay.. I'll just get that." sabi ni Olene sabay tayo at dumeretso sa may Main door. May nagdodoorbell kasi.

HSMS2: Only One YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon