Chapter 31 3-0

24 0 0
                                    

Hannah's POV

"Ma'am, Sir, pinatatawag na po kayo ni Madam sa dining area." sabi sa amin ni manang.

"ah sige po manang, susunod na lang po kami.. Hintayin lang po namin sila ate." sagot ko naman.

Ang cute tignan nila ate at nung boyfriend niya. Sayang, akala ko pa naman sila ni Harry ang magkakatuluyan. Pero mukhang nakahanap na si ate ng prince charming niya. Walang kahirap-hirap si Ian na palabasin ang tunay na katauhan ni ate. Para lang siyang bata, hindi katulad pag nasa school kami, napakaseryoso niyang tao.

"ah.. Ma'am, sabi ni Madam mauna na daw po kayo." hay! ang kulit.

"sige po, susunod na." sagot ko naman at inumpisahan ng itabi yung mga materials na ginagamit namin.

~Dining Area

"Mauna na kayong magmerienda sa dalawa, dahil patitilain pa muna nila ang ulan bago pumasok." sabi ni Mommy habang nagseserve ng soup sa amin.

"Mommy, where's the other princess?" Tanong ni Daddy habang papalapit kay Mommy at hinalikan ito sa pisngi.

"Dad, wag mo ng hanapin ang prinsesa natin na yun dito sa loob ng bahay pag umuulan." sagot naman ni Mommy, habang si Daddy ay sinisilip si ate sa labas.

"So, nakabalik na pala yung mortal niyang kaaway." sabi ni Daddy.

"Yes Dad, kaya ihanda-handa mo na yung premyo ko." sagot ni Mommy na nakangisi kay Daddy.

"Why? are they already married?" tanong naman ni Daddy.

"Not yet, Pero nakikita mo naman siguro kung gaano sila ka-sweet sa isa't isa di ba? At yan ang magbibigay daan sa kanila patungong simbahan." Natutuwang sabi ni Mommy.

So, pinagpustahan pala nila Mommy at Daddy kung si Ian o hindi ang mapapangasawa ni ate?

*Cough*cough*cough*cough*

"oh, okay lang kayo?"tanong ko sa dalawang katabi ko na sabay nasamid.

" ah, o-oo okay lang kami." sagot namin ni Lance kaya hindi na ako nag-usisa pa. At inabutan na lang sila ng tag-isa nilang inumin.

Lance's POV

Sabay kaming nasamid ni Nemo nang marinig yung pinagsasasabi ng parents ni JR, hindi ko akalaing pati magiging asawa ni JR sa hinaharap pinagpupustahan nila.

Ang bata pa namin para maisip agad nila ang tingkol sa kasal.

BAKIT KA NAMAN APEKTADO MASYADO? sabi ni aling konsensya.

AHM.. WALA NAMAN, CONCERN LANG. sagot ko naman.

HAY NAKU! LANCE, LOKOHIN MO NG LAHAT. WAG LANG ANG PUSO MO.

Fine! oo na. Mahal ko pa din siya. Kahit na minsan nadidistract ako dahil kay Hannah.

Nageenjoy naman ako kahit papano pag siya ang kasama ko. Nanjan yung nalilimitahan ko yung pagtitig sa kapatid niya dahil na rin sa kasunduan namin na paparusahan niya ako pag nahuli niya akong nakatitig kay JR.

I'm doing this not because of the punoshment but para na rin sa sarili ko. Para kahit papano mabawasan yung sakit na nararamdaman ko everytime na nakatingin ako sa kanya habang siya nakatingin sa iba.

Kung dati hindi ako naniniwala sa kasabihang First Love Never Dies, pero ngayon mukhang tadhana na ang gumawa ng paraan para maniwala ako, pinaranas tuloy sa akin.

"huhuhu ang laammeeeeg!"

Napatigil ako sa iniisip ko nang dumating ang dalawa na nakapagbanlaw at nakapagpalit na din ng damit.

"ehem. ehem." agaw atensyon naman ni Ian na bahagyang tinatapik ang tungki ng ilong at namumungay ang mga mata. Napakayabang talaga.

"Alam mo, kung nakakamatay lang ang kayabangan.. kahapon ka pa pinaglalamayan." sabi ni JR na nakuha ang nais ipahiwatig ng inasta ni Ian.

Pumwesto naman na ito sa harap ni Ian matapos niya itong irapan.

"Jeslie Rhain?" saway ni Tita sa anak.

"sorry." sabi na lang nito kahit halatang labag sa loob niya.

"it's okay Mommy, alam ko naman pong biro lang niya po yun." Napahinto naman si JR sa pagsandok ng pagkain niya dahil sa napaka-kampanteng sinabi ni Ian.

Binigyan niya ito ng isang Paano-ka-naman-nakakasiguro-look. Pero nginisian niya lamang ito.

"Nung umalis mga lang po ako ng bansa todo iyak na siya na parang hindi na po ulit kami magkikita, what more kung tuluyan na kaming hindi magkita? right Piggy oink oink?" Nakangisi pa din nitong tanong kay JR.

"Whatever!" walang ganang sabi ni JR.

"HAHAHAHAHA 3-0 na Piggy oink oink.." asar pa nito. " Sabi ko naman sayo di ba, humanda ka pag balik ko? Mukhang hindi mo yata ako pinaghandaan ah..."

"And why would I? Masyado lang akong Out Of Focus ngayon, kaya wag kang masyadong kampante jan na natatalo mo na ako ngayon."

" Hay Naku, tama na yan.. Sumasabay na naman kayo sa init ng ulo ng langit e. Magsikain na lang tayo.." awat ni Tito sa dalawa. " Pagpasensyahan niyo na itong dalawang ito ah.. Talagang ganyan na yan, walang pinipigiling oras at lugar pag nagtalo." paumanhin sa amin ni Tito.

Hanggang sa mainkwento na nga ng parents ni JR yung childhood days nung dalawa.

~*

Hello everyone. Kumusta naman po ang inyong Christmas,? merry na merry ba? Anyways, salamat po sa patuloy na nagbabasa ng aking storya.

Comment na lang po, for suggestions and reactions. Pa-vote na din po.

HAPPY HOLIDAY AND GODBLESS !!

Love CycleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon