Chapter 2 Lance Joshua Ramos

301 1 0
                                    

Lance's Pov 

I'm Lance Joshua Ramos, Lance for short. 15 years old, upcoming 4th year high school student at ... Ahm.. Hindi ko alam! Itatransfer daw kasi ako ng parents ko ng ibang school kasi masyado na daw akong nababarkada at nambababae, which is slightly true. Napapabayaan ko na din daw yung pag-aaral ko, hindi naman totoo, Infact honor student kaya ako.

BARKADA, natural lang naman yan pag nasa school ka. BABAE? ahm.. natural lang din SA AKIN!  haha. Syempre ! ikaw ba naman biyayaan ni Lord ng ganitong mukha, hindi mo gagamitin? And besides hindi naman ako ang lumalapit, sila ang nagkukusa!

SWEET KISSER BUT HEART BREAKER ! yan ang bansag nila sa akin. Aba! kasalanan ko bang hindi malaman ang salitang SERYOSO? at ang tanging alam ko lang, ay HUMALIK at MAKIPAGBREAK!

''Hoy! baka gusto mong bumaba ng taxi ? at kailangan na ni Manong Driver umalis'' napabalik ako sa katinuan ko nung magsalita 'tong kaibigan kong si Zeke.

'' ah! nandito na pala tayo.'' sabi ko at agad nang lumabas.

''oh. sandali! sandali! '' pigil sa akin ni Kevin, kaibigan ko din. '' ...bayaran mo muna si Manong.'' tuloy niya. Hayst! mga 'to talaga, hindi maasahan sa gastusan!. Hindi na ako nagreklamo pa at binayaran na lang si Manong.

''tara na!'' aya ko sa kanilang dalawa at naglakad na.

''Pare, ano bang gagawin natin dito sa mall?" tanong ni Kevin.

''maggi-girl hunting.'' sagot ko.

'' oh. di ba kayo pa ni Melanie ba yun? o Mely ,  Melody. hay ewan! yun na yun. dami kasing babae e!'' tanong naman ni Zeke.

''para namang hindi niyo ako kilala, hindi ako nakukuntento sa isa lang. '' sagot ko. ''tara kain muna tayo! hindi pa ako kumakain simula pa pagkagising ko.'' aya ko sa kanila at pumasok sa isang restaurant.

''pare, sure ka? dito tayo kakain!'' tanong ulit ni Zeke.

''pasalamat ka nga hindi kita dinala sa Jollibee eh.'' sa ko naman.

''Asan ba kasi si Joshua? Edi sana sa bar tayo naggi-girl hunting, hindi dito.'' pagmamaktol ni Zeke. Napaka-arte talaga ng lalaking 'to.

Kaya din pala Lance ang tawag nila sa akin kasi may Joshua din akong kaibigan, e' parehas kaming napapatingin pag binanggit yung JOSHUA kaya, Lance na lang sa akin!

'' may family trip!'' sagot ko.

Umupo na ako sa pwestong napili ko at sila na ang pinaorder ko ng kakainin namin. Nilibot ko yung mata ko sa mga costumer dito sa loob ng restaurant. haha nagsisimula na akong mag-girl hunting.

May isang babae na nakaagaw ng pansin ko. Isang babae na hanggang bewang ang straight niyang buhok, pangshampoo commercial. Mapupungay ang mga mata, matangos ang ilong, makinis ang balat at higit sa lahat kissable ang mga labi niya.

'' hoy! pare, ano na naman yan? at parang wala ka na naman sa sarili?"  pansin sa akin ni Kevin.

'' sino ba yang tinititigan mo jan?'' tanong ulit niya at humarap sa likuran niya para tignan yung babae.

'' sino ba jan? yung babaeng nakawhite tube na may black blazer sa tabi niya?'' tanong naman ni Zeke, na nakatingin din doon sa babae.

'' infairness, mukhang model.'' comment ni Kevin.

'' Tigilan niyo na nga! mamaya makahalata yan.'' suway ko sa kanila at humarap na sa pagkain namin.

'' new playmate?'' tanong ni Zeke na may ngiting nakakaloko sa mga labi niya.

'' maybe! pero wala sa mukha niya na marunong siyang makipaglaro.'' sagot ko.

'' oo nga! mukhang mabait.'' -Zeke.

Love CycleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon