Chapter 13 Success yet Failed

118 2 0
                                    

Harry's POV 

''Sir, ano po bang color ang ilalagay na flowers at laces dito sa swing?'' tanong sa akin nung isang staff na babae ng clubhouse.

''Ahm.. ano bang karaniwang paboritong kulay ng mga babae?'' balik kong tanong sa kanila. Hindi ko kasi alam ang favorite color ni Hannah kaya sila na lang ang tinanong ko, besides babae din naman itong mga ito.

''pink!!'' sabay nilang dalawang sagot.

''wala naman sigurong babae ang may ayaw sa pink.'' sabi pa nung isa, kaya yun na lang ang ipinalagay ko.

After almost one hour, natapos na din nila ang pagdedecorate sa swing.. kaya tinext ko na si Hannah and good thing ..... pumayag siya.

''Ang swerte naman po Sir ng girlfriend mo sa inyo, bukod sa gwapo na, romanric pa.'' Ngumiti na lang ako dun sa nagsalita.

''sige po Sir, mauna na kami.. Good luck na lang po sa date niyo ng girlfriend mo.'' sabi nung dalawang staff at umalis na.

Ako naman, nanatiling nakatitig sa swing.. sana magustuhan niya. Siya ang kauna-unahang babaeng ginawan ko ng ganito. Mahal ko na nga talaga si Hannah.

''NEMO!'' agad akong napalingon sa tumawag sa akin. Ang napakagandang babaeng nakilala ko, si HANNAH. ''oh? tulala ka jan?''

''ah! wala. nakakatulala ka kasi eh,''

''tsk! ang corny mo.'' sabi niya sabay irap sa akin. Napadako ang tingin niiya sa swing.

''oh? may problema ba? bakit nakasimangot ka jan?'' tanong ko sa kanya.

''sayang... ang ganda pa naman sana  ng pagkakadecorate kaya lang... IHATEPINK!'' sabi niya. ''Tara, doon na lang tayo may cottage magreview.'' aya niya at nagsimula ng maglakad.

Parang nawala ang energy ng katawan nung sabihin niya yun...
so, siya ang babaeng ayaw sa pink???? Hay! epic failed!!!

Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kanya.

''may pictorial ba jan mamaya?'' tanong niya habang nagbubuklat ng libro.

''siguro. bakit nga pala ayaw mo sa pink? di ba usually pink ang favorite ng mga babae?'' tanong ko.

''I'm not belong with that girly-girls.'' sagot naman niya.

Hindi na ako nagsalita pa ulit, mukha rin naman kasing wala siya sa mood makipagkentuhan. Dahil siguro sa nakitang color pink!

Almost 1hour ng tahimik yung paligid nang bigla niyang isara yung librong hawak niya at tinanggal yung eye glass saka kinusot yung mata niya. Ang cute biyang tingnan, para siyang batang kagigising lang,

''Haaaay! inaantok na ako sa kakabasa ng libro na ito. kwentuhan muna tayo.'' sabi niya at pinatong yung ulo niya sa mesa.

Love CycleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon