Chapter 14 disappionted

65 2 0
                                    

JR's POV 

Mag-isa ulit akong papasok ngayon sa school, nauna na kasi si Hannah.. ayaw niya kasing malagyan ng 'late' sa attendance notebook, eh ako? immune na ako jan. hahaha Minsan na ngang kinausap ni Ninong ang parents ko dahil sa mga lates ko pero wala pa ding nagbago.. late kung late hahaha!!

''Jeslie Rhain, wag ka ng magmuni-muni jan at gahol ka na sa oras.'' sabi sa akin ni Mommy.

''Hindi po ako ngamumuni-muni, nagdadasal po ako.'' palusot ko.

''sows! palusot mo Jeslie Rhain, bumenta na dati yan.'' -Mommy.

'' hahaha.. eto na po, aalis na. Bye Dad, Bye Mom..'' sabi ko sabay beso sa kanila.

Pagpasok ko ng school, para akong naglalakad sa buwan, ewan ko ba! tinatamad ako ngayong araw.. Busy kasi ang mga teachers sa pag-oorganize na event na gagawin dito sa school. Isa kasi ang school namin sa pagdadausan ng ball games ng iba't ibang school.

''JR!''

''ay, pusang gala!''

''hahahah.. ang cute mo naman magulat!'' sabay pisil pa ni LJ sa pisngi ko. OO, si LJ ang sumira ng pagmumuni-muni ko.

''tss...'' sabay irap. '' bakit nandito ka pa? may klase na ah..'' sabi ko at nagpatuloy na sa paglalakad.

''excuse ako. May practice kami ng basketball until tomorrow, then kinabukasan nun game na.'' paliwanag niya.

''ah.. good luck.'' sagot ko.

''ahm..''

''may sasabihin ka pa?'' tanong ko.. para kasing balisa siya eh.

''ahm... gusto sana kitang i-invite manuod kahit after class or bukas, kung hindi puno ang sched. mo.'' nag-aalangan nyang sabi.

''sige, pupunta ako.'' abi ko nun, bigla na lang siyang nagtatatalon at sumigaw!

''wooooo... aasahan ko yan ah..'' natatawa na lang ako sa itsura niya.. hindi niya bagay maging childish kahit na baby face siya.

Pag pasok ko sa room, walang teacher pero naglelecture sila.. hay! mga teachers talaga.. may maipagawa lang. 

Malapit na ang break time nang pumasok ng room yung adviser namin, ano kaya ang sasabihin nito??

'' wag kayong mag-alala, hindi ako magso-SONA. JR and Harry, go to the faculty room after class, okay?''

''yes ma'am.'' sagot namin ni Harry.

Hannah's POV 

''Hannah, pasensya na hindi ako makakasabay umuwi sa'yo.'' sabi sa akin ni Nemo.

''Hintayin na lang kita, manunuod na lang muna ako ng practice ng basketball.'' sabi ko naman.

Kanina pa nga kating-kati yung paa kong pumunta ng court para mapanuod siya kaya lang may klase kasi eh..

''talaga? hihintayin mo ako?'' ngiting -ngiti niyang tanong. anong meron? ang saya niya ah...

''oo, sige.. punta na ako doon.'' sabi ko at agad pumunta ng court. Ngayon ko na lang ulit makikita si Lance, this past few days kasi ladi siyang excused sa mga klase dahil sa basketball. At ngayon ko lang din siya makikitang magbasketball.

 Pagdating ko sa court, start na yung practice nila. Ang ganda ng laban, lamang ang team nila Lance. Maya-maya habang tumatagal unti-unting nawawala sa kondisyon si Lance. Ano kayang nangyari? Sumama kaya ang pakiramdam niya? o dahil nakita niya ako, kaya siyya tumamlay?

Sa last quarter hindi na siya naglaro, at nanuod na lang kasama yung coach nila. Habang nagmumuni-muni ako, nakita koo siyang nagsmile sa akin kaya tumayo ako at lumapit sa kanya.

Love CycleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon