Chapter 7 First Day of School

161 2 2
                                    

Hannah's POV 

''good luck sa first day niyo, pagbutihin ang pag-aaral ah.'' bilin sa amin ni Daddy bago pababain ng sasakyan.

''Jesie Rhain, yung kapatid mo ah.. wag mo munang iwan kung saan-saan.'' sabi naman ni Mommy. Nag-one step forward si ate at nagsalute kay Mommy. '' ma'am yes, ma'am.'' sabi ni ate. Bahagya naman kaming natawa sa ginawa niya.

''Bye, see you later.'' sabi namin ni ate at humalik na sa pisngi nila mommy at daddy.

Pagpasok namin sa loob ng campus, ang dami ng taong nagkalat sa quadrangle.

''Bhe, iwan muna kita sandali dito, pupuntahan ko lang si Ninong. Babalik din ako kaagad.'' paalam sa akin ni ate. Ngumuti lang ako bilang pagsagot at umalis na siya.

10 minutes na hindi pa din siya bumabalik. Nasaan na kaya si ate?

''Ahm.. excuse me?'' sabay kalabit sa akin nung lalaki. Parang nakita ko na siya dati, pamilyar ang mukha niya eh. ''Hannah, right? sister ni JR.'' tanong niya. Saan ko ba ito nakita?. '' I'm Harry, yung lalaki sa clubhouse. Natatandaan mo pa ba?'' sabi niya. Ah.... OO doon ko nga nakita 'to.

''Ah, oo natatandaan na kita.'' sagot ko naman saka ngumiti.

''Dito ka rin pala nag-aaral. Mag-isa ka lang ba?'' tanong ulit niya.

''No. kasama ko si ate, kaya lang may pinuntahan sandali.'' sabi ko. Nagkwentuhan kami ni NEMO, este Harry pala, yun daw kasi ang nickname niya. Maya-maya pa ay dumating na si ate at pinapila na kami sa quadrangle for the flag ceremony. After naman ng flag ceremony nagspeech yung Sir Dominic daw, basta yun na yun! Then tinawag na isa-isa yung mga pangalan ng estudyante para malaman na ang section. 

Wow sosyal! samantalang sa dati kong school, pahirapan sa paghahanap ng section.

Mga dalawang oras at kalahati bago napunta sa 4th year level.

''IV-St. Mark blah,blah,blah...''

''IV-St. Peter blah,blah,blah..''

''IV-St. Joseph blah,blah,blah..'' Hala ! nasa 35-40 students na lang kami dito. Tagal namang tawagin ang pangalan ko.

''And for the star section of 4th year, IV-St. Paul. I'll call yor name according to your average, increasing.'' sabi nung nagsasalita. Ano ba yan, nakakahiya! baka ako ang pinakakulelat dito. ''Harvey Bautista, 86.5, blah, blah. blah..'' Tss! ang tagal ng pangalan ko. Pati si Harry at ate hindi pa natatawag.

''Kayong lima, may balak ba kayong sumama sa kanila?'' pabirong tanong sa amin nung nagsasalita. OO, lima na lang kaming na nakahiwalay sa kanila. Si ate naman, ayun! tamang upo sa isang tabi.

'' Hindi na po Ma'am, okay na po kami dito sa canteen.'' biro din nung lalaking kasama namin.

''Jan ka magaling Mr.Chiu. Very good.'' sarcastic na sabi ni Ma'am kaya karamihan sa mga estudyante nagtawanan. ay! sige lang, magdaldalan pa kayo, hindi nakakangawit tumayo. ''okay, the last 5. Mr. Chiu, Casper -92.4'' hala ! wala pa din ang pngalan ko? '' Mr. Ramos, Lance Joshua- 92.8'' Napansin kong parang nagulat si ate nang marinig niyang ang pangalan nung lalaki. Bakit kaya? Medyo namumukhaan ko rin siya, parang nakita ko na rin siya somewhere. Nagtilian naman yung mga babae, ang gwapo kasi e. ''Ms. Hannah Mercdo-93.8'' Hay! salamat natawag din. Tumayo na si ate sa kinauupuan niya at tumabi kay Harry.

Love CycleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon