Chapter 37 Maling Akala !

24 0 0
                                    

Chapter 37 Maling Akala !

JR's POV

Dismissal Time.

Excited akong makausap ang kapatid ko sa bahay dahil sa pasabog niyang ginawa kanina. Hindi ako galit 'no, chichikahin ko lang.

Palabas na ako ng room nang biglang ...

"JR!"

" AY! 'NAKNGTIPAKLONG!" bigla ko ding sabi dahil sa gulat at nalaglag ko din ang mga books na dala ko.

"ay, sorry.. nagulat yata kita." sabay tulong nito sa pagpulot sa mga gamit ko. W-wait! familiar ang boses niya. Hindi ako pwedeng magkamali, si ano ito, si...

"H-harry?" laki mata kong sambit nang mapatunayan kong si Harry nga ang nagmamay-ari nung boses na yun.

Napatigil naman ito sa ginagawa, at ngiting-ngiti na nakatingin sa akin na parang natutuwa sa itsura ko ngayon.

"gulat ka pa din?" tanong nito.

"H-Ha? ah.. e, h-hindi ko lang ine-ex----"

"uuwi ka na ba?" putol niya sa sasabihin ko. Tumayo na din siya at mukhang wala yatang balak ibalik ang books ko.

"ah... oo, maglalagay lang ako sandali ng gamit sa locker." sagot ko naman.

"Ganun ba, samahan na kita." sabi nito at nauna nang maglakad sa akin.

Nakakapanibago siya, si Harry ba talaga ito? Ano namang nakain niya at ang bait niya sa akin ngayon.

"ahm... M-may sakit ka ba ngayon?" out of nowhere kong tanong dito nung makalapit na ako sa kanya.

" Huh?" taka namang balik nito sa akin.

" ahm.. Ano kasi... D-di ba m-mainit ang dugo mo sa akin, tapos ngay---"

" Lahat ng mainit, lumalamig kung hahayaan mo lang." muling putol nito sa sinasabi ko. Pero hindi ko naman nagets yung sinabi niya.

Nakapaglagay na ako ng gamit sa locker pero hindi pa din umaalis sa tabi ko si Harry na ngayon ay papunta na kami sa gate.

"May sundo ka ba?" tanong nito, saka ko palang naalala naitext yung driver namin.

" ay, oo nga pala.. Muntik ko ng makalutan na itext si manong." sabi ko, sabay hanap ng phone ko sa bag.

Pero bago ko pa mailabas yung phone, ay pinigilan na niya ang kamay ko.

" Wag na, ihahatid na lang kita." Agad akong napatingin sa kanya ma halata ang pagkagulat sa mukha ko. Pero ngiti lang ang sinukli niya sa akin.

"Walktrip?"

"Call!" Agad ko namang sang-ayon sa kanya, at nagsimula ng maglakad.

"May itatanong ako." basag ko sa katahimikan na namamagitan sa amin.

"Ano naman yun?"

"H-hindi ka ba naiinis sa issue ngayon sa school?"

"Alin? yung nangyari kila Hannah at Lance sa field?" tanong nito na parang simple lang yung tinanong niya.

"Ah, o-oo." naiilang kong sabi. Baka kasi may masabi akong makakasakit sa kanya.

"Bakit naman ako maiinis?"

"Eh, kasi diba ---"

"Kasi may gusto ako sa kanya?" Ouch! </3

" Ano ba, kanina mo pa ako pinuputol sa mga sasabihin ko ah." puna ko na sa kanya.

"Ang bagal mo naman kasing magsalita e.. Kaya inuunahan na kita."

" tsk! kaya nga may Think Before You Speak diba?" palusot ko naman.

"Ang bagal naman ng think na yan.. poor connection?" pamimilosopo naman nito sa akin kaya inirapan ko na lang.

"Ewan ko sayo. So, ano na ang sagot mo?" balik ko sa topic.

"Magsisinungaling ako kung sasabihin kong okay lang sa akin. Pero doon siya masaya e, alangan namang pigilan ko. Seeing her happy, makes me happy too." OUCH </3 Hindi ko na lang sana itinanong pa..

"ah... sa bagay." yun na lang ang nasabi ko at hindi na nagbalak pang mag-open ng ibang topic. Truth hurts talaga!

Pag pasok ko sa room namin ni Hannah naabutan ko siya sa may veranda.

"Bhe !" Masaya kong tawag sa kapatid ko. Ngunit pagharap naman nito ay parang pinagsakluban ng langit at lupa. Anong nangyari dito?

"Ate..." parang bata nitong tawag sa akin. "nakakahiya.." dugtong niya pa, kaya nginitian ko ng pagkalawak-lawak.

"Ano namang nakakahiya doon?"

"Eh, kasi ano...."

"Ano ka ba, okay lang yun. So, ano? Tamis ng unang halik?" Nakangiti ko pa ding tanong at ang loka tinalo ang kamatis sa pula.

"O-oo" hiyang-hiya nitong pag-amin.

"Waaaa!!! Congrats bhe!!" kinikilig kong sabi sa kanya habang niyuyugyog siya.

"A-ano ba yan ate.. Para namang ako lang?" Sabi nito kaya agad akong napatigil sa ginagawa ko.

"huh? what do you mean?"

"Di ba kayo din?"

"kame? nino naman??" taka ko pa ding tanong sa kanya.

"Ni Nemo, di nung nasa field hinalikan ka din niya.?" paliwanag nito.

Nagulantang naman ang brain cells ko sa sinabi niya.

"What? Bakit hindi ko alam?"

"Oo kaya. Nakatingin nga sa inyo si Lance nun, at ewan ko ba kung bakit ko hinigit yung kamay niya then pagharap niya, ayun na." paliwanag niya at in-act ang kamay niya.

" Really? mukha ba akong hahalikan nun?" patawa-tawa ko namang sabi.

"Bakit, hindi ba?"

"Hindi! Napuwing lang ako nun kaya inihipan niya yung mata ko." paliwanag ko naman.

" What?? Akala ko ---"

" Oo, akala mo lang yun."

"Oh my Gosh, ate nakakahiya talaga!!" hysterical nitong sabi at pinagpapapalo pa ako.

Harry's POV

Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nakadapa sa kama. Kanina ko pa iniisip yung tungkol sa mga pinagkikikilos ko nitong mga nagdaang araw, pero wala e! Hindi ko talaga alam kung bakit parang gumagaan na yung loob ko kay JR.

" Lahat ng mainit, lumalamig kung hahayaan mo lang."

" Lahat ng mainit, lumalamig kung hahayaan mo lang."

" Lahat ng mainit, lumalamig kung hahayaan mo lang."

Ano ba yan? Kanina pa paulit-ulit sa utak ko yan. Nakakabobo na.

Isinarado ko nga lang ba talaga ang puso't isip ko para kay JR noon kaya ganun na lang ang inis ko sa kanya, at ngayon ko lang hinahayaan ang sarili ko na bigyan siya ng pagkakataon para mai-prove sa akin na mali ang pagkakakilala ko sa kanya.

tsk! Ang hirap, intindihin ang sarili ko.

~*
Good day..
2 updates for today, kelangan bumawi. hehe thank you po sa lahat ng patuloy na sumusubay bay sa story ko hehehe ang drama..

keep on reading :)

Love CycleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon