Chapter 47 Question And Answer

21 0 0
                                    


HABANG nasa daan sila JR at Rain pabalik ng G.O ay hindi napigilan ni Rain ang magtanong tungkol kay Nemo.

Madalas daw kasi niya itong marinig sa mga classmates niya na hindi naman daw gwapo ay may patay na patay na isang sikat na babae sa school ang nagkakagusto doon. Hindi lang niya matandaan yung name nung babae.

At dahil hindi siya tinantanan nito ay sinabi niya ang lahat dito. Mula sa kung sino yung babae hanggang sa una niyng araw na nagustuhan ito at ang dahilan kung bakit siya ngayon nasa G.O at nag-aadvance study.

Naisip niya kasi na minsan mas magandang magsabi ng tunay mong nararamdaman sa isang taong hindi mo ganun kakilala, kaysa sa lubos na nakakakilala sayo.

"Kung ganun, sayang naman.. Hindi ka makakaatend ng graduation natin."malungkot na sabi ni Rain matapos magkwento ni JR.

"Okay lang yun.. Medyo OA 'no.. Ipagpapalit ko ang graduation ko para lang maka-move on. First time ko kasi ito kaya hindi ko malaman kung ano ang dapat gawin." pag-amin ni JR.

"Ano ka ba, hindi OA yun. Kung ako din ang nasa kalagayan mo baka nag-ibang bansa na din ako.. Kaya lang waaa naman akong pera." tatawa-tawang sabi nito sa kanya.

Binatukan naman ito ni JR  dahil sa panibira ng mood. Nag-eemote siya tapos bigla itong tatawa.

"Binibiro ka lang e.. Wag kang mag-alala pag nagkapera ako susundan kita sa States."

"Sigurado yan ah.. Pag hindi kita nakita doon, tataniman ko ng granada yung bahay niyo." biro din ni JR sa kanya.

"Walang problema, basta sa puso mo ako titira." banat nito sabay kindat sa kanya.

Hindi naman agad nakapagsalita si JR dahil hindi niya inaasahan na sasabihin nito iyon. Sanay siya sa mga bola ng mga lalaki prro pagdating dito sa lalaking ito ay parang nailang siya.

"Hoy! ano ka ba, bumanat lang ako,natahimik ka na jan. Syempre hindi mangyayari yun, dahil balang araw yayaman ako at masusundan kita doon." sabi nito na parang nakikita ang future niya.

"pinaglihi ka ba sa mais, hah?" tanong ni JR.

"Hah? sa buko ako pinaglihi 'no." seryosong sagot nito kay JR.

"Ah.. akala ko sa mais, ang corny mo  kasi e."  sabi ni JR.

"Tatawa na ba ako?" tanong ni Rain habang seryoso pa din ang tingin kay JR na triny magjoke.


"Che!"

Hanggang ang drama ni JRay nauwi sa trash-talk-an nila ni Rain.

Nang mag-uwian ay tinawagan ni JR sila kambal at si Miguel. Nagiging unfair na kasi siya sa mga ito. Ang dami ng lihim ang hindi nasasabi sa kanila, at alam niyang nag-aalla na ito sa kanya.

"Buti naman at naisipan mo ng kausapin kami." panimula ni Cindy nang makumpleto sila sa table.

"matagal ko ng gustong mangyari ito, nakulangan lang ako ng tyempo."sabi naman niya.

"Akala namin pati kami pa-plastikin mo na din" sabi naman ni Cynthia.

"Tsk! you really know me guys.. Alam kong madami kayong tanong kaya itanong niyo na."

"Anong nangyari, at sa isang iglap *boom* bessy is back?" tanong ni Cynthia.

"Is it connected with Nemo?" tanong din ni Miguel na kanina pa tahimik.

"Yes. Siya ang dahilan kung bakit ako nagpumilit na baguhin ang sarili ko kaya siya din ang dahilan kung bakit ako bumalik."  simpleng sagot nito sa tanong ng mga kaibigan.

"Bakit? may nagawa ba si Nemo?" tanong muli ni Miguel.

"Let's just say na.. lahat ng bagay ay may hangganan. Walang forever! at umabot na ako sa point naiyon, kaya itinigil ko na."

"Buti natauhan ka na bessy." sabi ni Cindy.

""Pero masaya ka naman ba sa desisyon mo?" tanong ni Cynthia na tinitignan kung magsasabi siya ng totoo.

"Of course. Pag nagsara ang pinto, may bubukas na bintana."

"ow... Wait!! si Nemo ba ang nagsarang pinto? at ang nagbukas na bintana ay si...." kinikilig na sabi ni Cynthia.

"oh..m... type mo yung assistant sa G.O??" segunda ni Cindy.

"Sira! friends lang kami nun 'no." pagtanggi naman niya.

""Pero bessy, mas bet ko yun kaysa kay Nemo." sabi ni Cindy.

"Teka nga, pansin ko lang.. bakit ang init ng dugo niyo kay pareng Nemo?" singit ni Miguel sa kanila.

"Duh.. sino bang hindi maiinis doon. Ang daming efforts ni bessy ang nasayang dahil sa kanya. Akala mo naman kung sinong k-pop star para magpaka-choosy ng ganun. Samantalang full package na itong si bessy, sobra pa!" paliwanag ni Cindy na sobrang inis kay Nemo.

"Loko ka talaga." tatawa-tawang sabi ni JR dahil sa narinig.

Halos dalawang oras pa ang itinagal ng magkakaibigan sa restaurant na pinagkitaan nila at nagkwentuhan habang kumakain.

Hindi naman nabanggit ng mga kaibiganniya ang tungkol sa pagstay niya sa G.O, baka nakalimutan kaya hindi na lang din siya nagbanggit ng tungkol doon.

Natutuwa siya dahil matagal tagal na din bago muling nangyari ang naging ganito sa kanila. Bonding todamax.

Mamimiss niya ito, pero sisigiraduhin niyang mauulit ito sa muli niyang pagbalik.

~*
Last update for today..
Malapit na talaga..
Enjoy reading..

Love CycleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon