Chapter 25 Guilt

31 1 0
                                    

Harry's POV 

2am, nagising na lang ako na sobrang nilalamig. Hinila ko yung kumot ko at nagtalukbong pero wala pa din.

Hindi ko naman mapatay yung aircon dahil hindi ako makatayo sa sobrang lamig.

 Hanggang sa umaga na, hindi pa din ako nakakatulog, nanginginig na sa lamig at hindi na din ako makamulat ng maayos.

 Narinig kong tinatawag ako ni Kuya pero hindi ko siya masagot dahil sa panghihina ko. Hindi nagtagal narinig ko na lang ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko.

''Nemo, ano ba? kanina pa ako tawag ng tawa----Nemo?! Uy, Bro, ano nangyayari sayo?'' tarantang tanong ni Kuya sa akin. Maya-maya pa ay lumabas si Kuya at pagbalik nito sa kwarto ko ay may kasama na ito. Hindi ko matukoy kung sino, pero natititak kong babae yun.

''H-hannah..'' sambit ko pero mukhang iba naman yung kinakausap niya.

''Hannah..'' muli kong sambit pero unti-unti na akong nilamon ng antok.

Pagkagising ko, si Hannah agad ang nakita ko. Akala ko panaginip lang ang lahat na inaalagaan ako niya ako, Hindi pala. Sabi na nga ba hindi niya ako matitiis at lalong hindi niya rin ako kayang ipagpalit kay Lance na yun.

Tinawag ni Hannah si Kuya nung makita niyang gising na ako. Pagpasok naman ni Kuya ay may dala siyang soup then pagkabigay niya sakin noon may konting bilin siya at lumabas din kaagad.. Anong nangyari doon? Bakit parang badtrip siya?

Pagtikim ko sa soup, muntik ko ng maibuga dahil sa pangit ng lasa nito.. Pero naman na siyang pagtyagaan.. Sino kayang nagluto nito? Si kuya kaya? pero hindi mo mapagluluto yun  kahit tumirik na ang mata niya sa gutom. Baka naman si Hannah? Ginanahan akong kumain dahil sa naisip ko. Nagkukwento ako sa kanya habang kumakain ako pero halata sa kanyang  hindi siya nakikinig.

Maya-maya nasa veranda na siya at may kausap sa phone .. Sino kaya yung kausap niya at mukhang sobrang saya niya? Natulog na lang ulit ako after kumain at uminom ng gamot.

Paggising ko, kapapasok pa lang ni Hannah  galing sa veranda. Grabe naman yung kausap niya.

''ahm.. Nemo, okay na ba yung pakiramdam mo?'' tanong niya.

''ah oo, salamat  nga pala.'' sabi ko naman.

''so, can I go now?''

''ah, dito ka na magdinner. Pambawi ko naman sa pag-aalaga mo sa akin.'' offer ko sa kanya pero tinanggihan niya at lumabas na ng room ko.

Gusto kong malungkot dahil sa pagtanggi niya pero naisip ko din na maswerte pa din ako dahil inalagaan niya ako, pinagluto, at binigyan pa ng gamot .. Hindi ba napakasarap sa feeling noon lalo pa't yung taong gusto mo pa ang gumawa noon sayo.

Love CycleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon