Chapter 5 Shopping

94 0 0
                                    

JR's POV 

Nandto kami ngayon ni Hannah sa kwarto namin, 2 days pa lang siya dito at medyo nahihiya pa sa amin. Hindi pa din kasi siya pinapansin ni Mommy, lalo na si daddy. Simula kasi nung away nila, sa guest room na natutulog si mommy. Pag bubuhatin naman siya ni daddy para sa kwarto na nila matulog, tinititigan siya ng masama ni mommy kaya aalis na lang ito.

Hay! kailan kaya maaayos ang lahat?

knock!

knock!

knock?

Tumayo ako at binuksan yung pinto ng kwarto.

''Yes Mom, May kailangan po ba kayo?'' tanong ko.

''Ahm.. yung kapatid mo?''

'' Ayun po, nagbabasa.'' sabay turo ko sa study table niya. Madalas siya jan, basa lang ng basa.

Pumasok si Mommy sa kwarto kaya sinara ko naman yung pinto.

''Ahm, Bhe. hanap ka ni Mommy.'' tawag ko kay Hannah. Agad naman siyang tumayo at nagbow.

''Ah, good morning po Tita.'' bati niya kay Mommy. Halatang-halata sa itsura nya na kinakabahan siya.

''Ah, wag mo na akong tawaging Tita'' mataray na sabi ni Mommy kaya lumapit ako kaagad sa kanya.

''Mom!'' saway ko.

''..Mommy na lang ang itawag mo sa akin.'' tuloy ni Mommy, agad na napatingin sa kanya si Hannah.

''t-talaga po?'' di makapaniwalang tanong niya.

''Yes, and I'm sorry sa inasal ko nung dumating ka dito, medyo nabigla lang ako pero okay naman na.'' nakangiting sabi ni Mommy.

''Wah! thanks Mommy'' sabi ko sabay yakap ng mahigpit kay Mommy.

''Come here.'' aya ni Mommy kay Hannah at dahan-dahan itong lumapit sa amin.

''Ayan! group hug!'' sigaw ko. Napakasaya ko ngayon kasi ayos na sila, Sila kaya ni Daddy?

''Tara na sa baba, magmerienda na tayo.'' aya sa amiin ni Mommy.

''Mom sandali,'' sabi ko kaya napahinto siya sa paglalakad.

''Yes?''

''E, kayo po ni Daddy. okay na?'' tanoong ko.

''Yes baby, hindi pa nga siya pumapasok sa opisina e.''

''Huh? Bakit? Late na po ah!''

''Gusto daw niyang makita tayong magkakasama.'' sagot niya kaya napangiti ako at sabay-sabay na  kaming bumaba at nnagpunta sa garden namin

Habang kumakain kami may naalala ako. ''Mom, Dad..'' sabi ko sabay baba ng pagkain ko sa platito.

''Yes? may problema ba?'' tanong ni Daddy. Hindi ako nagsalita at tumingin lang sa suot ni Hannah.

''B-bakit?'' tanong ni Hannah.

''Hay Naku! Jeslie Rhain, may balak ka bang mag-tiangge ng mga damit balang-araw?'' tanong ni Mommy sa akin.

''Jeslie Rhain? It's JR Mom.'' sagot ko. Ayaw ko magpatawag sa full name ko.

''Whatever! Jeslie Rhain ang ibinigay kong pangalan sa'yo, kaya JR man ang tawag nila sa'yo, ibahin mo ako.'' Mataray na sabi ni Mommy.

''Osha, tama na yang tarayan factor niyong mag-ina. Ito oh!'' sabay lapag ni Daddy ng 10 thousand cash sa mesa.

''Dad nama---'' Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko naglapag din si Mommy ng pera sa table.

Love CycleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon