Chapter 20 Passenger seat

55 3 1
                                    

JR's POV

'''nak, gising na.''

''ahskdhgdjsdggs.''

''tumayo ka na jan, nasa baba na yung kasama mo.'' Agad akong napabangon ng marinig ko yung sinabi ni Mommy.

''Huh? ano po yun Mommy?'' Tanong ko. Nakita kong nagliligpit pala siya ng mga kalat ko sa kwarto.

''sabi ko, yung sundo mo nanjan na at hinihintay ka na.''

''sundo? parang wala naman po akong naaalala na may susundo sa akin ngayon.'' sabi ko habang nag-iinat.

''hay naku Jeslie Rhain.. Kumilos-kilos ka na jan at nakakahiya na sa gwapong sundo mo na kanina pa naghihintay sa paggising mo.'' sabi ni Mommy. Natawa naman ako.

''sleeping beauty lang ang peg ko, Mommy?''

''Opo, at si prince charming mo ay nasa baba na.'' Paalala ulit sa akin ni Mommy.

Wala talaga akong maalala na may susundo sa akin ngayon, pero nag-ayos na din ako bago bumaba dahil baka hindi ako matantsa ni Mommy at kaladkarin ako papasok ng banyo.

After 178560787 years, lumabas na din ako sa banyo wearing  a red fitted blouse ang a black skinny jeans. Sinasanay ko na ang sarili ko sa ganitong style SIMPLE YET GORGEOUS.. At ang mga dresses ko? Nakatengga lang sa closet ko. Miss ko na sila isuot.

Nagsusuklay ako ng long hair ko, habang nilalasap ang pagbaba sa mahabang hagdan namin. hahaha feel na feel ko gumalaw prinsesa ngayon kasi... Hindi ako papasok!

''akala ko wala ka ng balak lumabas ng kwarto mo.'' Napatigil ako sa ginagawa kong pagsusuklay nang marinig ko ang boses na yun.. HIS VOICE! 

''H-harry? A-anong ginagawa mo dito?'' Kumaripas ako ng lakad sa sala kung saan nandoon siya.

''sinusundo ka, remember the concert?''

''y-yeah.. b-but 8pm pa ang start nun di ba?'' sabi ko. Di naman siya excited noh?

''I know. Pero kailangan nating agahan ang punta doon dahil for sure mahaba ang pila at mahihirapan tayong makapasok sa loob.'' Paliwanag niya. Ngayon ko lang napansin na nakawax pala yung hair niya, then yung eye glasses niya mas manipis  yung lense compared sa usual niya ginagamit, nakawhite Tshirt siya with printed black headphones then pants. Okay naman pala siya pumorma eh.

''B-Bakit? panget ba ang suot ko?'' Naiilang niyang tanong.

'Napabalik naman ako doon sa katinuan.

''ah hindi.. okay lang naman.'' sabi ko. ''anyway, may pila pa ba?'' Naku!! short tempered pa naman ko sa ganitong pila-pila session. ''..VIP naman ang ticket natin di ba?'' sabi ko pa.

''Kahit na . Hindi lang naman tayo ang may VIP tickets noh.'' sagot naman nito.

Love CycleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon