Chapter 40 Confession

31 0 0
                                    

JR's POV

Nakakainis!

Malaman ko lang talaga kung sino yung bumangga sa upuan na kinatutung-tungan ko kanina, masasakal ko talaga siya.

"Hindi pa din maka-move-on? Bakit may spark pa rin ba? May kuryente pa din ba?" pangbubwisit sa akin ni Miguel.

Lunch break namin ngayon kaya nandito kami sa field nakatambay.

"Manahimik ka nga!" inis kong sabi sa kanya. Kanina pa kasi niya ako binubwisit e.!

"Kanina ka pa space out, bessy.. Ano bang iniisip mo?"

"Iniisip ko lang yung taong bumunggo sa upuan kanina na dahilan kung bakit ako na-out of balance." pagtatapat ko sa kanila. " Napansin niyo ba?" tanong ko pa.

Pero imbis na sagot ang makuha ko sa kanila ay makahulugang nagtinginan lang sila kambal at Miguel.

Hmm.. I smell something fishy..

"Miguel, spill it out." sabi ko.

"A-ahm.. Ano kasi.. pasensya ka na Piggy Oink Oink.. naghahabulan kasi kami kanina ni Chloe e, kaya ayun, nasanggi ko." mahina pa nitong pag-amin sa akin.

"What?!" sigaw ko . Lumapit ako sa kanya para gawin ang gusto kong gawin kanina pa.

"Ah- a-ray! W-wag mo akong sakalin! *cough* *cough* hindi ko naman sinasadya e."

"Nang dahil sa kaharutan mo, pwedeng magalit sa akin ang kapatid ko... At pag nangyari yun, hindi mo na makikita si Chloe myloves mo." nanggigigilkgsb saka siya binitawan.

Yes, umamin na siyang attracted siya kay Chloe, na hindi ko naman malaman kung saan banda. Hahaha kidding.. Maganda naman siya, pero mas maganda ako.

"Ano ka ba naman bessy, huwag mo nang isipin yung kapatid mo, kasi hindi naman yun pababayaan ni Papa Lance."

"What do you mean?"

"Nabanggit kasi sa amin nila Zeke at Kevin na medyo magulo ngayon si Lance at sa tingin daw nila ay dahil kay Hannah.. You know, in denial stage pa sa feelings niya, para kay Hannah."

"Napaisip naman ako sa sinabi ng butihin kong kaibigan. Sana nga, ganun nga ang nangyayari.


Hannah's POV

Argh! Bwisit! Bwisit!!!

Halos sabunutan ko na ang sarili ko sa sobrang inis sa sarili ko.

Hindi ko dapat ginawa yun. Hindi dapat ako umalis ng room, lalo ko lang tuloy pinagmikhang kawawa ang sarili ko.

At hindi dapat ako umiiyak ngayon! Dahil wala naman akong karapatan masaktan sa mga nakita ko. I'm just his fvcking friend. No more No less!

"Hannah.." oh shit! bakit niya pa ako sinundan?!

Pinigil ko ang mga luha ko saka inayos ang sarili ko bago humarap sa kanya. Ayokong kaawaan niya ako!

"I'm sorry." panimula ko.

"Ha? Para naman saan yun? Chaka bakit mugto yang mata mo? galing ka ba sa iyak?" May pag-aalala nitong tanong sa akin saka siya lumapit sa akin.

"I'm sorry, hindi ko nagawa yung napag-usapan natin tungkol sa inyo ni ate."

Tumawa ito ng bahagya. "Ano ka ba? Wla yun." Nakangiti nitong sabi sa akin saka naglakad ulit para lagpasan ako. Bali magkatalikuran kami ngayon.

Love CycleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon