Chapter 32 Transferees

33 0 0
                                    


JR's POV

Sa wakas Monday na ngayon at hindi ko muna makikita yung bwiset na yun, pero mahal ko. Hahaha, kainis nga lang dahil hanggang sa mag-uwian sila nung Saturday hindi man lang ako nakaganti sa mga pang-bibwiset niya sa akin.

"Good Morning, Class." bati ng adviser namin pagpasok niya sa classroom namin.

"Good Morning, Ma'am" we greeted back.

"Be seated. okay, class may bago kayong mga classmates." announce ni Ma'am .

At ano pa nga ba ang aasahan sa mga estudyante pag ganyan ang announcement? Edi kanya kanya tsismisan sa katabi.

"huh? guy kaya?"

"Naku, sana naman 'no. Nakakasawa na ang mga pagmumukha ng mga tao dito sa room, except syempre kay papa Lance."

" Sana gwapo."

"Sana nga."

Hay! Girls are girls and flirts are flirts! Pero sino yung mga yun, at late na kung magtransfer?

"Class, quiet!" suway ni Ma'am sa mga classmates ko. Pero parang silang walang narinig at tuloy pa rin sila sa pagtsi-tsismisan.

"Boys, come in." anunsyo ni Ma'am at doon na parang nahipnotismo ang mga classmates ko at natahimik with matching laglag pa ng panga nung makita yung apat na itlog na pumasok sa room.

Ilang sandali pa ay natauhan na din sila ay hindi pala dahil lalo silang naging exaggerated. Akalain mo ba naman pumatong pa sa upuan yung ibang maliliit na babaeng classmates ko at nagsisisigaw, makita lang yung apat, nagsitayuan na kasi yung matatangkad sa harapan.

My God, dinaig pa nila yung mga avid fan ng mga K-POP groups e.

"CLASS! QUIET!!!" sigaw na din ni Ma'am. Kinabigla ng lahat ang ginawa ni Ma'am kaya ayun para silang nauntog na bumalik sa realidad at nagsiayos na sa kani-kanilang pwesto.

"WooooH! Akala ko dito na ako lalagutan ng hininga." Sabi nung isang transferee. Mahangin!

Pero, he looks familiar pati yung katabi niya. Saan ko ba nakita itong dalawa na ito? Yung isa naman hindi pa, ni anino hindi! At yung isa pa naka-black with shades. Bakit parang nakaramdam ako ng kakaiba sa kanya?

"please introduce yourself." sabi ni Ma'am.

"Hello, everyone... I'm Zeke Castillo from Octagon Academy."

"Bro?!"

Napatingin kaming lahat kay LJ nang sumigaw ito na parang bagong gising.

"Yes Bro.."


Lance's POV

Ang sarap ng tulog ko nang bigla na lang nagkagulo sa room namin pero hindi ko na lang din pinansin dahil inaantok talaga ako.

"Hell everyone... I'm Zeke Castillo from Octagon Academy."

Nung marinig ko yun ay automatic na napadilat ako .

"Bro?!" unconscious kong sigaw at nagawa ko pang tumayo. Dahil doon ay naagaw ko ang atensyon ng buong klase.

"yes Bro." sagot naman nito na may nakakalokong ngiti. Tinignan ko kung sino yung mga kasama niya.

"Kevin Santos here, everyone." sabay kaway nito na akala mo ay fans niya yung mga classmates ko.

"good morning everyone, I'm Jsoshua Saavadra from Octagon Academy too."

Love CycleWhere stories live. Discover now