Chapter 15 Who really?

103 1 3
                                    

JR's POV

''So, kumusta ang love life, JR? Hindi na ako gaanong updated sa love story mo, masyadong busy eh.'' tanong sa akin ng adviser namin, habang nagcucut kami ng mga letters na gagamitin para sa decorations.

''Ahm.. I'm still waiting for HIM ma'am.'' sagot ko.

''Him? and who's that lucky guy?'' tanong ulit ni ma'am na parang kinikilig.. Napaka-chika talaga ng adviser ko na ito.

''Hindi ko muna siya papangalanan.. basta he's cute, smart at may pagka-suplado.''

''Tumpak!'' biglang sigaw ni ma'am. "Sabi na e, may gusto ka rin sa kanya. Pero, bakit STILL WAITING FOR HIM? e, balita ko may gusto rin siya sayo. Kinantahan ka pa nga niya sa classroom di ba?''

okay na sana eh..

Tuwang-tuwa na yung puso ko sa mga pinagsasabi niya..

maniniwala na sana ako..

kaya lang panira  yung huli niyang sinabi. tsk!

''Ma'am, it is not Mr.Ramos'' nakasimangot kong sagot.

''Huh? e, siya lang naman yung tumumpak sa description mo .'' dahilan niya.

''tss.. basta, hindi siya.''

''sus! kung hindi siya, e sino?''

''it's Harry.'' sagot ko. Bahagya siyang nagulat pro agad ding nakabawi.

''naku! ginamit mo pa yung bestfriend ng kapatid mo.. e, wala naman mawawala pag sinabi mo yung totoo.'' Hindi ko na pinatulan pa yung mga pinagsasasabi ni ma'am, dahil kahit sabihin ko yung totoo.. pinagpipilitan pa din niya yung pinaniniwalaan niya.

Tahimik lang kaming gumagawa ni Harry habang si ma'am daldal ng daldal.

''Tara , bukas na natin ipagpatuloy yan. Uwi na tayo. Ihahatid ko na kayo sa mga bahay ninyo. Medyo late na, baka mapahamak pa kayo sa daan.'' Pagkasabi ni ma'am nun ay agad na inayos ni Harry ang lahat ng ginamit niya.

''ah! ma'am hindi na po ako magpapahatid, may dadaanan pa po kasi ako.'' sabi niya at agad lumabas ng faculty room.

''Let's go, JR.'' tawag sa akin ni ma'am.

''Ah! ma'am hindi na din po ako magpapahatid sa inyo.'' sabi ko kaya nagtaka naman si ma'am.

''bakit?''

''sasabay na lang po ako sa kapatid ko, for sure siya yung pinuntahan ni Harry.''

''are you sure?''

''yes, ma'am.''

''okay then. Mag-iingat kayyo.'' pagkasabi niya nun ay umalis na siya.

Nagpunta ako sa waiting area na malapit sa school gate para doon sila hintayin. Kahit hindi naman sabihin ni Harry-ng 'si Hannah ang gusto ko at hindi ikaw' alam ko. Dahil ramdam na ramdam ko at kitang-kita ng mga mata ko. Pero hindi pa din ako susuko hangga't hindi ko yun naririnig sa mismong bibig niya. Dahil sa kanya lang ako maniniwala.

Maya-maya pa ay nakita ko na siyang naglalakad pero wala siyang kasama. Nauna na siguro si Hannah kaya nakasimangot siya. Lumapit ako sa kanya at sinabayan siya maglakad.

''nainip na siguro yun kaya nauna na.'' sabi ko na lang sa kanya.

''Bakit nandito ka pa?'' walang-gana niyang tanong sa akin.

''Hindi rin ako nagpahatid. Sasabay sana ako sa inyo ni Hannah pero nauna na pala siya.'' sagot ko.

''magpasundo ka na sa driver mo.'' utos niya.

Love CycleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon