Chapter 6 Date!

96 0 0
                                    

Lance's POV 

''Alam mo pare, nahihiwagaan ako sa JR na yan. Pangalan pa lang eh!'' sabi sa akin ni Joshua. Hindi pa kasi niya nakikita si JR kaya ayan, nahihiwagaan daw siya.

''Eto ba pare? okay lang?'' tanong ko sa barkada ko sabay pakita ng suot ko. Kanina pa ako tanong ng tanong pero hindi pa din ako makapagdecide ng isusuot ko.

''Alam mo pare, dalhin mo na lang kaya yang closet mo sa date niyo para hindi ka tanong ng tanong jan.'' sabi ni Zeke.

''Kung hinayaan mo na lang kasi sa akin yung JR na yun, edi sana wala kang pinoproblema jan ngayon.'' sabi din ni Kevin na naglalaro sa phone niya.

''Asa pare!'' sagot ko at pumasok ulit sa walking closet ko.

''Ay! pare, kasama ba kami?'' tanong ni Joshua.

''Gusto niyo ba?'' balik kong tanong.

''Aba! oo naman...'' agad na sagot ni Kevin. ''...gusto kong makita kung paano ka irereject sa panlligaw mo sa kanya.'' dagdag pa niya. Nainis ako sa sinabi niya.

''Hindi na pala! Wag na kayong sumama, masisira lang ang diskarte ko sa kanya.'' sabi ko.

''Ay ganun? sige, wag mo din gagamitin ang sasakyan ko ah..'' sabat ni Joshua. Tss! bwisit naman kasi ngayon pa nasira yung sasakyan ni Mommy, yung akin tuloy ang ginamit niya.

''Sige na nga! Sumama na kayo. Pero sa malayo-layong table kayo pumwesto ah.'' sabi ko.

''sure!'' sagot naman nila. Hayst! wag naman sana akong mareject ni JR, paniguradong tadtad ako ng kantsaw sa tropa ko, pag nanyari yun.

''Tara na!'' aya ko sa kanila. Kailangan mauna ako, kabawasan sa pogi points ng isang lalaki pag Late sa Date.

'' Ang aga pa. 45 minutes pa kaya.'' reklamo ni Kevin.

''Sasama ka ba o Hindi?'' tanong ko.

''Eto na! eto na!'' sagot naman niya at bumangon na sa pagkakahiga sa kama ko.

JR's POV 

''Wow bessy, ang sexy!'' sabi ni Cynthia, pagkalabas ko ng banyo, suot yung binili kong dress kahapon.

''Alam ko yun.'' sabi ko naman. Haha.. Nagtinginan naman si kambal .

''Hayaan mo na ate, totoo naman.'' sabi ni Cindy kay Cynthia.

''Anyways, kasama ba si Hannah?'' tanong ni Cynthia.

''Ahm.. Bhe, gusto mo ba?'' tanong ko sa kanya na nagbabasa na naman ng libro sa study table niya.

''Ah, hindi na ate.'' sagot niya. Agad na lumapit sa kanya si Cynthia.

''Ano ka ba, kailangan mong sumama para lalo mo pang makilala ang ate mo.'' sabi niya. Lumapit din sa kanila si Cindy. '' OO nga! para makita mo kung gaano kabangis ang ate mo pagdating sa lalaki.'' sabat niya.

Nanahimik na lang ako habang nagma-makke-up. Loko talaga 'tong kambal na ito.

''Sige na nga.'' at sa huli napapayag din nila. Tumayo na ito at nagpalit na ng damit.

Paglabas namin...

''oh. may lakad kayo?'' salubong sa amin ni Mommy.

''ah , may date ako Mom sa restau nila kambal, isasama ko na din po si Hannah.'' paalam ko.

''okay, mag-iingat kayo ah.'' sabi ni Mommy. Di pa siya gaanong nakakalayo sa amin ay tinawag niya ako. ''Anak...'' bigla akong kinabahan.''..Saan mo nabili yang dress mo ?'' Hay! akala ko naman pagagalitan ako.

Love CycleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon