Chapter 12 Their MIssion

88 1 0
                                    

Hannah's POV 

 Today is Saturday, at busy kami ni ate magreview ng mga notes namin dahil on Monday ay exam  na namin. napansin kong scan lang ng scan ang ginagawa ni ate sa notes niya kaya tinanong ko siya.

''ate..'' tawag ko pero hindi niya ako pinansin at nagtuloy-tuloy lang siya sa pag-scan.

''ate..'' tawag ko ulit sabay kalabit ko sa kanya. Agad niya akong nilingon at tinanggal yung earphone sa tenga niya. Kaya pala hindi niya ako pinapansin kanina.

''bakit?'' tanong niya.

''wala naman, pansin ko lang na scan lang ang ginagawa mo sa notes mo tas naka-earphone ka pa. Ganyan ka ba magreview?'' tanong ko. Kung ako kasi ang gagawa nung ginagawa niya, walang papasok sa utak ko.

''yup, ganito ang nakasanayan kong paraan ng pagrereview.''

''buti ate, may pumapasok sa utak mo. Ang hirap kayang pagsabayin ang music at review.'' bahagya naman siyang napangiti sa sinabi ko.

''Hindi naman music ang pinapakinggan ko eh. wala akong hilig sa music, kaya kung mapapansin mo dito sa bahay bihira ang musical instruments, even in my gadgets it has only 3-5 songs ang nakadownload doon.'' Nagtaka ako sa sinabi niya, kung hindi music ang pinapakinggan niya? eh. ano?

''Discussions ito sa mga lessons natin. Nirerecord ko yung mga pinagsasasabi ng mga teachers natin at lecture din ako  ng lecture para pag malapit na ang exam at kailangan magreview. Pineplay ko lang then susudan ko sa lecture.''

WOW! mgayon lang ako nakakita ng estudyanteng kakaiba ang technique sa pagrereview at napaka-effective! eh, biruin niyong consistent First Honor.

''Si Daddy ang nagturo sa akin ng ganung way ng pagrereview.. During his high school at college days niya ang dami daw kailangang imemorize kaya ayun, kaysa naman daw paulit-ulit niyang basahin, pinaulit - ulit nalang daw niyang pakinggan.''

Nakakainggit talaga , iba pa rin pala pag araw-araw mongg nakakasama ang mga magulang mo. Mas nakakainspired mag-aral at mas natuturuan ka nila, unlike sa once in a month lang kayo magkita, napakaiksi ng oras. Hindi ka tuloy nababahagian ng kwento ng mga pangyayari sa buhay nila.

''huy! natulala ka na jan. May itatanong ka pa ba?''

''ahm... last question ate. kung hindi mo mamasamain itatanong ko lang kung MAHAL or MINAHAL mo ba si Lance?'' Bago sagutin ni ate yung tanong ko, inayos niya muna yung mga gamit sa kama.

''I could say na mahal ko pa rin siya...'' Bumaba ng kama si ate at nagpunta sa study table niya. SO, mahal pa rin nila ang isa't isa. Siguro nga pag ang TRUE LOVE sa buhay mo, hindi mo na maiaalis yun. ''...pero bilang kaibigan. Since then, I love  him as a friend.'' tuloy niya.

Parang nabuhaay ang buong pagkatao ko nung marinig  ko yun.

''e, si NEMO? mahal mo ba talaga siya?'' Nakita kong may ngiti nagform sa mga labi niya nung marinig niya yung tanong ko. NO DOUBT! INLOVE SI ATE.

''Honestly, I'm still not sure if it is LOVE or just an INFATUATION. Alam nating mabait siya, marunong rumespeto sa  babae, hindi pala-away, at simple lang siya.And that's the characteristics of a man that I want.'' okay! inlove ang ate ko, sa kaibigan ko!

''Parang napakaimposible noh? For almost 3 years na classmate ko siya at kailan lang kami nagkaroon ng chance na magkausap ng medyo matagal, sa kanya ko pa pala mararamdaman yung ganitong pakiramdam. Akala ko noon extra lang siya sa buhay ko at magiging kakumpitensya ko lang siya sa academics, although hindi ko iniisip yun pero alam kong yun ang tingin niya sa akin. But I was wrong. definitely WRONG!''

Love CycleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon