Chapter 22 Confused

47 2 0
                                    

JR's POV 

Paglabas ko ng simbahan biglang may tumawag sa akin.

''ate JR!'' sigaw ng dalawang bata.

''oh, Lenard at Gerard?''

''oo ate.''

''opo, dapat pag sumasagot kayo sa mga nakakatanda sa inyo laging may 'po' at 'opo' '' turo ko sa kanila. Si Lenard at Gerard ay magkapatid, mas matanda nga lang ng 2years si Lenard. Ulilang lubos na silang 2 dahil sa isang car accident, wala naman silang relatives dito sa Manila kaya nagpalaboy-laboy na lang sila.

''opo ate''

''very good. Bakit nga pala nandito pa kayo? Malalim na ang gabi baka kung pano kayo.''

''Naghahanap po kasi kami ng makakain. Wala po kasi kaming makain sa court .'' patagong natutulog sina Lenard at Gerard sa basketball ball para hindi sila mahuli ng mga nagiikot na guwardiya. 

''ganun ba? sige, sandali.'' Kinuha ko yung phone ko at tinawagan yung driver namin. ''tara. doon muna tayo sa club house habang hinihintay natin yung pagkain niyo.''

Naglakad kami papuntang club house at pagdating namin kanya-kanya silang punta sa palaruan.

''ma'am eto na po yung pinabibili ninyo.'' sabay lapit sa akin nung driver na dala yung pagkain na pinabibili ko.

''salamat.'' sabi ko sakanya at tinawag na ang mga bata.

''ah, ma'am.. hindi pa po ba kayo uuwi?''

''hindi pa, mauna ka na sa bahay.. susunod na lang ako.'' Pagkasabi ko nun umalis na din siya at ako naman ay pinanuod ang mga bata na kumain.

ring...ring...ring...

''huh? may ibang tao ba dito?'' bulong ko habang inililibot ko yung tingin ko. Hindi kasi ganun yung ringtone ko kaya imposibleng akin yun.

''JR?''

Napatingin ako sa tumawag sa akin.. Si Janine na may hawakna phone. Baka sa kanya yun.

''oh, Janine.. Bakit nandito ka?''

''Pupunta sana ako sa inyo para magpaturo sayo, kaya lang nakita na kita dito. E, ikaw? gabi na, bakit nandito ka pa?''

''ah.. pinapakain ko lang sila.''

''ang bait naman.'' nakangiti nitong sabi.

''sige, hatid ko lang sila sa court, tapos punta na tayo sa inyo.''

Pagbalik ko sumakay na ako sa sasakyan nila, nasa compartment naman na daw yung bike ko.

Love CycleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon