Chapter 21 Sisters Quarrel

50 2 1
                                    

JR's POV 

''let's talk about the story of Cupid and Psyche. Open your book on page 132, so that you can follow.'' maam Love.

First period English agad! Habang nagsstory telling si Maam, focus lahat ng classmates ko sa pakikinig kay maam. Malamang, about love yan at relate na relate na sila. Di tuloy nila napansin na over time na si maam ng 15 minutes.

''okay, let's continue our discussion tomorrow. JR?'' tawag sa akin ni maam.

''yes maam?'' sabay kapit ko sa kanya.

''you're not listening while i'm in front.. is there any problem?'' worried nitong tanong sa akin.. OA naman, di lang ako nakinig e. problema agad?

''nothing maam. I'm sorry, di na po mauulit.''

''okay.. class dismiss.'' declared ni maam kaya labasan na sila.

''uy bessy, anong sabi sayo?'' tanong agad sa akin ni Cynthia habang pabalik ako sa upuan ko.

''di daw ako nakikinig kanina.''

''e, bakit nga ba hindi? ngayon lang ata nangyari yan ah.''

''nothing, nabasa ko na kasi yung story na yun, kaya tinatamad akong makinig.'' paliwanag ko. yun naman talaga ang dahilan, ayoko nga ng paulit-ulit.

''oh, I thought there's something bothering you. Siya nga pala, kumusta naman ang lakad, I mean date niy---''

''Hannah, sabay na tayong maglunch.'' aya ni Harry sa kapatid ko. HIndi kaagad nakasagot si Hannah.

''Hannah, tara na sa canteen.. baka mawalan tayo ng pwesto doon.'' aya din ni LJ kay Hannah.

''ah, sandali.. ayusin ko lang itong mga gamit ko.'' -Hannah.

Nakatingin lang kami sa kanilang tatlo, they both waiting for Hannah.

''let's go.'' sabi ni Hannah saka inakbayan siya ni LJ at lumabas ng room.

''uh-oh.. what happened to the 3 of them?'' -Cindy.

''I dunno.'' - Cynthia.

Tumayo ako at lumapit kay Harry na sobrang nabigla sa mga nangyayari.

''I'll talk to her later.'' sabi ko habang pinapat yung balikat niya. Masakit man sa akin, pero ano pa bang magagawa ko? mas mahirap makita na nasasaktan ang mahal mo.

Then lumabas na ako kasama sil kambal.

7pm

''bhe?''

''hmm?''

''pwede bang maistorbo ka sandali?''

''sure, what is it?'' umupo ako mula sa pagkakahiga at hinarap siya naa nagbabasa ng libro.

''May problema ba kayo ni Harry?'' pakatanong ko noon bigla niyang sinara yung book at tinanggal yung reading glasses niya.

''ah, wala naman .. bakit?''

''pero ... bakit hindi mo man lang siya pinansin kanina sa room? tapos mas sinamahan mo pa si LJ kaysa kay Harry?''

''lance, asked me a favor. Kung pwede ko daw ba siyang tulungan na kalimutan ka.''

''What? A-ano naman ang sagot mo?''

''I answered.. yes.''

''Pumayag ka?! you mean handa kang maging rebound?'' halos sigaw ko sa kanya. Bigla namang sumama ang tingin niya sa akin.

''I-im s-sorry for my term . i didn't m---''

''bakit?'' mahina niyang tanong pero makikita mo ang sakit na nararamdaman niya. ''Bakit naman hindi ako dapat pumayag hah?! tell me!'' Err! hindi ko sinasadya! ''bakit? dahil ba ayw mong makalimutan ka niya? dahil ba ayaw mong mawala siya sayo? Kung yun naman pala ang gusto, bakit mo pa siya kailangan saktan ng ganoon? Napaka-selfish mo!''

Sa hindi ko malamang dahilan uminit ang dugo .. Yuna ng salitang ayaw na ayaw kong sinasabi sa akin. dahil never in my life na nagdamot ako! at naging makasarili.

''nasa maayos kang buhay.. buo ang pamilya mo.. maganda ka.. talented.. nakukuha mo yung mga bagay na gusto mo.. may mga kaibigan ka.. maraming nagmamahal sayo.. lahat ng tao ikaw ang gusto, ikaw ang paborito. Lahat na! lahat nasa iyo na, kulang pa ba? kulang pa ba na maging si Lance hindi mo man lang maipaubaya sa akin?!'' inis na inis niyang sumbat sa akin habang tumutulo ang luha niya. At ganoon din ang nararamdaman ko sa lahat ng mga sinabi niya sa akin.

 Lumabas ako ng bahay kahit gabi na kasama yung bike ko, saka ako pumunta sa lugar kung saan alam kong makakatulong sa akin.. sa simbahan.

Iniwan ko sa labas yung bike ko at di pa man ako nakakaupo, bumuhos na ang luhang kanina ko pa pinipigil. Patuloy ang pag-agos ng luha ko habang dinadaing ko lahat ng sakit na nararamdaman ko sa Panginoong Diyos. Halos isang oras akong umiiyak at kahit papano ay nabawasan ang bigat na raramdaman ko sa loob ko.

''Lord, please.. wag mo po akong hayaan na pangunahan ng pride ko. Please help me.''

Ilang sandali pa ay napagdesisyonan ko ng lumabas ng simbahan.

-----------------------*

Pambawi sa matagal kong pag-update hehe..

Love CycleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon