35

44 7 13
                                    

Chapter's Featured Song: Can't Help Falling Inlove by Elvis Presley

Chapter 35

Sa tanang-buhay ko, hindi ko naisip na pwede pa palang mag-level up ang itsyura ko nang ganito. Nakakamangha. . .

Napatingin ako sa repleksiyon ko nang iharap ako ni Eda sa isang salamin. Nakasuot na ako ngayon ng isang pastel blue na slightly loosen dress na may mga maliliit at nagniningning na crystal-like designs. Binagayan pa ito ng isang tamang-taas lamang na bluish-colored glass sandals. Ang buhok ko ay nakatirintas na rin ng maayos gamit ang isang blue ribbon at ang mga dulo ng hibla nito ay naging gulot.

Namamangha akong mas lumapit sa salamin. Tinitigan ko nang maigi ang mukha ko rito. Nang makita ko ang pagtutubig ng mga mata ko, alam kong hindi na ito dulot ng kalungkutan. Dahil na ito sa sobrang kasiyahang nararamdaman ko ngayon. In an instant, tila nagkaroon ako ng napakalaking pagbabago sa panlabas kong anyo. Naging mas kaaya-aya at tila naging magical...

"Maraming salamat Eda. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya," saad ko nang harapin na si Eda. Nakangiti siya nang todo habang tinititigan ako.

"Sandali," aniya saka naglakad patungo sa kung saang sulok ng apartment namin. "Hindi kompleto ang lahat ng 'yan kung makakalimutan mo ang regalo mo kay Estefanio... at ito." Ipinatong niya sa mesang malapit sa amin ang paper bag na naglalaman ng regalo ko saka humarap sa akin para ibukas ang palad niya. Napangiti na lang ako nang makita ang kwintas na hugis bituwin sa mga kamay niya.

Ang kwintas na hawak ni Eda ngayon ay ang kwintas na ibinili sa akin ni Estefanio noong nasa Obando kami. Pinaalala niya pa noon na dapat isuot ko ito sa kaarawan niya at ngayon ang araw na iyon. Sa tingin ko, nilagyan din ng mahika ni Eda ang kwintas na ito na nagdagdag sa ganda ng pagliliwanag nito sa tuwing nasisilid sa kadiliman.

Hindi na ako nakapagsalita nang magtungo si Eda sa may likuran ko. Iniharap niya ako sa salamin at agad ko namang inianggat ang buhok ko nang dahan-dahan niyang isuot sa akin ang kwintas.

"Ayan!" masayang wika ni Eda. "Bagay na bagay sa'yo Juliet."

Mas lalo lang akong napangiti sa sinabi niya. Hindi ko pa rin alam kung paano ipapakita ang lubos kong saya sa pagkakataong ito. Talagang hindi ko sasayangin ang mga huling sandali namin sa panahong ito.

"Baka makalimutan mo ang regalo mo sa kaniya," sabi pa ni Eda nang muling niyang kunin ang paper bag na nasa tabi. Nang iabot niya ito sa akin, agad akong napasipat sa loob nito.

"T-teka," ani ko nang maalala ang ilang bagay na dadalhin ko pa. Tinitigan na lang ako ni Eda nang kunin ko mula sa ibabaw ng mga gamit ko ang poster ni Estefanio, isang ballpen, at ang litrato namin noon sa Zambales. Maging ang cellphone na ibinigay ni Eda ay hinawakan ko na rin saka ngumiti paharap kay Eda. "Handa na ako Eda..."


----


Nang sumapit ang alas otsyo ng gabi saka lamang kami nagtungo ni Eda sa Casa Simeon. Ginamit niya pa ang kakayahan niyang mag-teleport upang mas mapadali ang pagdating namin ng hotel. Ani Eda, mula nang araw na sagapin niya ako sa Light Tower ng Puerto Guerrero, saka niya lang napag-alaman na bumalik na ang kapangyarihan niya na makapag-teleport.

"Ayos lang Juliet?" tanong ni Eda nang magsimula kaming patungo sa entrance nitong hotel.

Lumitaw kami kanina sa parking area na wala rin namang masyadong tao kanina. Sa tingin ko nga ay tapos na talaga kung ano mang program ang nangyari sa party ni Estefanio dahil bakante na ang ilang pwesto ng parking lot.

Till I Rewrite The Stars (Under Revision)Where stories live. Discover now