19

54 8 0
                                    

Chapter's Featured Song: If Tomorrow Never Comes by Garth Brooks

Chapter 19

Lumipas ang mga araw at patuloy na nanatiling magulo ang isipan ko.

Kung tama man nga ang hinala namin ni Eda na may nagmamanman na ibang celestial soul sa paligid, eh ano naman ang kailangan nito sa amin?

"Hoy, tulala ka na naman Miss." Liningon ko ang pumuna sa akin at tulad ng mga nagdaang araw ay si Romialdo Salazar na naman ito. Ano bang kailangan niya sa akin? Bakit lapit nang lapit ang artistang 'to sa akin?

Hindi kaya— Natigilan ako nang may pumasok sa isipan ko. Hindi kaya isa siyang celestial soul?

Bakit mukhang interesado siya sa akin? Wala akong makitang ibang rason para punahin niya nang madalas ang isang katulad ko. Dahil ba sa wala si Gwendelyn?

Ayon kay Eda, baka nakakasalamuha ko na raw ang celestial soul na hinihinalaan naming binabantayan kami. Wala pa naman daw kasi siyang ibang celestial soul na nakaharap sa panahong ito dahil siguradong makikilala niya iyon. Hindi rin daw ito magtatangkakang lumapit sa kaniya dahil siguradong mangyayari na naman iyong pagliliwanag nila.

"Hoy? Ba't natulala ka na sa akin? Ganoon ba ako kapogi?" Nabalik ako sa ulirat at inis ko siyang tinignan. Ngingisi-ngisi siya sa akin ngayon sa harap ng mesa kung saan ako nakasalumbaba. Busy ang paligid namin dahil kakatapos pa lang ng taping. Hinihintay ko na lang si Estefanio.

"Eh? Ano bang kailangan mo, po?" pagdidiin ko sa huling salita. Kumunot naman ang noo niya.

"Hindi ba't sinabi ko nang magkakasing-edad lang tayo,” natatawang saad niya.

Hindi naman siya pwedeng maging celestial soul dahil alam ng lahat na artista siya. Isa siyang totoong tao.

Napailing na lang ako sa mga pinag-iisip ko. Mali nga sigurong maghinala ako ng basta-basta.

"Oh ngayon, pailing-iling ka naman. Ano bang mga iniisip mo?" muli nitong puna sa akin.

Agad akong tumayo nang makitang papalapit na si Estefanio. Bumaling muna ako kay Romialdo bago umalis. "Wala. Huwag niyo nang abalahin pa ang sarili niyong isipin ako." Nginitian niya na lang ako at pinabayaang umalis.

"Hey, let's go home," saad ni Estefanio nang makalapit ako sa kaniya. Tumanggo lang ako at sinundan siya ngunit bago pa man kami makalayo sa set ay nilingon ko muli si Romialdo na mag-isa na lamang sa kinauupuan nito.

Ilang araw na ring hindi pumapasok si Gwendelyn kaya't walang nag-aasikaso kay Romialdo. Hindi naman sa nangingialam, pero napapansin ko lang talaga. Isa pa, inaabangan ko rin sana si Gwendelyn na makitang kasama niya para humingi ng tawad sa ginawa kong pagpapaalis sa kaniya noong araw na nakausap ko si Lolita.

"We need to get ready for our trip later," masayang sabi ni Estefanio sa akin habang papalapit kami sa van. "Surely, Alanis and Tito are already there sa Ilocos."

Gumuhit naman ang ngiti sa mukha ko sa sinabi niya. Ngayong gabi kasi kami babyahe papuntang Ilocos, para sa pinangako niyang Sand Dune tour. Gabi kami babiyahe papunta roon para pagdating ng umaga ay makalibot kami sa lugar at hindi masayang ang araw. Bukas lang kasi ang available na day ni Estefanio at naplano na pala nila ito ng Tito niya— ang daddy ni Alanis—na nagtatrabaho pala sa Ilocos.

Till I Rewrite The Stars (Under Revision)Where stories live. Discover now