01

465 43 26
                                    

Chapter 1

2019 | Philippines

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

2019 | Philippines

Juliet Rose's P.O.V.


“Umayos ka nga Juliet! Wala ka na ngang ibang naitutulong dito!”

Umalingawngaw ang panunumbat ni Ate Clara sa buong bahay. Hindi na lamang ako kumibo dahil alam kong pagdating ng oras ako at ako pa rin ang magmumukhang mali.

“Labahan mo 'yong pinapalabhan ko sa'yo, hindi 'yung puro pagpapahinga ang ginagawa mo. Hindi ka prinsesa Juliet,” pagdidiin pa nito mula sa labas ng kwarto ko.

Sa bandang sulok, naririto ako, pilit na pinipigilan ang sariling umiyak. Nakakapagod na ring magdamdam... Nakakapagod na ring lumuha gabi-gabi...Pero wala akong magagawa kundi piliting magpakatatag dahil wala akong ibang aasahan na makakapagpagaan sa sarili kong emosyon kundi ako lamang...

Hindi ko maiwasang kuwestyunin sa isip ko kung bakit ako na lang lagi ang may mali sa lahat. Sa tanang buhay ko naman pinatunayan kong kaya ko, malakas ako at may halaga ako. Pero, parang laging kulang para sa lahat—sa mga kaibigan ko at mismong sa pamilya ko.

Madalas ang pagtatalo namin ni Ate Clara. Twenty-six years old na siya habang ako 20 years old pa lang. Hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral dahil maaga siyang nag-asawa pero dumating ang araw na iniwan din siya ng kinakasama niya. Hindi na siya nagpatuloy pang mag-aral kahit na ipursige siya ni Mama. Kasama namin siya rito sa bahay at madalas naghahanap ng mga pagkakakitaan. Dahil dito, sa akin napunta ang bigat para iangat ang pamilya namin mula sa hirap.

Tatlo kaming magkakapatid, kasama si Mama na siyang nag-aasikaso sa amin. Matagal na ring single mom si Mama. Sampung taon pa lang ako nang mamatay si Papa dahil sa mga komplikasyon. Buhat noon, itinagayod kami ni Mama. Namasukan siya sa mga iba't ibang trabaho at dahil na rin maraming kaibigan ang mga magulang namin, marami ding tumutulong sa amin para makapag-aral at makapagtapos.

Napatingin ako sa diploma kong nakakalat pa rin sa kama ko.

Kaka-graduate ko pa lang nitong nakaraang Linggo sa kursong Bachelor of Arts in Digital Film Making. Kung saan naman nakuha ko nang magtapos sa course ko saka naman ako nawalan ng gana. Parang bigla na lang nagsama-sama lahat ng pagod ko simula noon, at ngayon ito ang bumabalot at napapabigat sa akin. Nakakawala ng gana at interes... Parang dumaan ako sa isang matinding gera.

Muli kong narinig si Ate. “Hoy Juliet! Naririnig mo ba ako? Asikasuhin mo na yung sinasabi ko,” pagtutukoy nito sa mga damit niyang nais niyang palabahan sa akin. Kasalukuyang may sakit si Mama kaya ako ang inaasahan ni Ate na gumawa ng mga bagay-bagay sa bahay. Isa pa, para sa kanya wala rin naman akong naitutulong na malaki lalo na ngayong naka-graduate nga ako, pero wala ng konkretong plano kung saan papatungo. Pakiramdam niya siguro, nawalan lang ng saysay ang pagpapaaral sa akin para makatapos.

Till I Rewrite The Stars (Under Revision)Where stories live. Discover now