16

57 14 4
                                    

Chapter's Theme Song: Lost In Love by Air Supply


Chapter 16


Habol hininga kami ni Estefanio nang makalayo mula sa tahanan nina Lolita. Hindi ko na maalala kung paano at saan kami nagsususuot hanggang sa makita ko na lang ang makulay na kalsadang dinaanan namin kanina.

Natigil ako sa pag-iisip nang maramdaman kong binitawan niya na ang kamay ko. Napalingon siya sa akin at ngumiti.

"T-that's a bit intense," natatawa niyang sabi. Kumunot-noo naman ako. Marahang umiihip ang sariwang hangin sa paligid namin sa kalagitnaan ng hapon. Mangilan-ngilan lamang ang taong nakikita namin sa daan subalit dinig namin ang mga ingay, kantahan, at tawanan sa paligid.

"I just acted kanina," ani Estefanio. Tinignan ko naman siya ng seryoso.

"U-umarte?"

May kung anong kinuha siya sa bulsa niya at napagtanto kong isa iyong mask. Ito 'yung itim na mask na suot niya dati nang magkita kami pagkatapos ng una niyang presscon dito sa Pinas.

Isinuot niya muna ito at saka nagsalita. "That scene kanina sa harap ng mga bisita nila Lolita. That was just a plain acting." Narinig ko ang mahinang pagtawa niya kahit na hindi ko makita ang mga labi niya. Pero, halatang okay nga lang siya.

Nakangiwi ko siyang hinarap. "B-bakit mo 'yun ginawa?" natatawa ko na ring tanong sa kaniya. Halos mag-panic kaming lahat doon kanina dahil sa pagsuka-suka niya at paghabol sa hininga pero ngayon malalaman kong hindi pala iyon totoo.

Tumawa muna siya bago sumagot. Nakaharap ang katawan ko sa kaniya habang siya ay nakaharap lamang sa mga punong nasa gitna ng mga kalsada ngunit ang mukha niya ay nakagawi sa pwesto ko. "They are actually kind people especially Lolita's grandma, but I find it little awkward. To be honest, I'm not that comfortable being there. I-it's just, I don't want to be impolite, but out on my mind, I'm thinking of a way to get out," paliwanag ni Estefanio. Nanlaki naman ang mata ko sa kaniya.

"W-what? Umarte ka para makaalis doon? I never thought an Estefanio Del Carpio will do this," saad ko pa habang natatawa sa kaniya. Nginitian niya naman ako.

"I'm still an actor Juliet, remember?" sabi nito at kinindatan pa ako. Napatango-tango naman ako sa kaniya pero sa isipan ko ay kakaiba rin pala talaga si Estefanio Del Carpio.

Liningon ko ang buong paligid at natanaw ang simbahan ng Obando sa 'di kalayuan. Gayundin, nakita ko ang isang plaza malapit dito. Hindi ko maintindihan pero napapangiti na lang ako sa paligid. Pakiramdam ko, may kung anong bahagi ko ang naririto sa Obando.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Estefanio na nakaharap lamang sa daan. Naka-sideview siya mula sa akin pero kita ko ang aliwalas ng mukha niya at ang bahagyang paghinga niya kasabay ng pag-ihip ng hangin.

Na-realize ko naman ang isang bagay. "Paano na ngayon? S-sina Kuya Arnolfo pala naroon pa sa labasan nina Lolita?" Liningon naman ako ni Estefanio.

"Don't worry. I'll just send him a message about us." Taka ko naman siyang tinignan.

"Uuwi na ba tayo?" tanong ko.

Muli niya akong liningon at umiling. Hindi ko man kita ang buong mukha niya subalit sa mata niya, alam kong nakangiti siya. Dahan-dahan siyang humarap sa akin. Ilang pulgada ang layo namin sa isa't isa nang ilahad niya sa harap ko ang kaliwang kamay niya.

Umihip pa ang isang malakas na hangin dahilan para tangayin ang ilang hibla ng buhok ko sa likuran. Gayundin, ang buhok ni Estefanio na bumabagsak patungo sa kilay niya ay bahagya ring linilipad.

Till I Rewrite The Stars (Under Revision)Where stories live. Discover now