12

68 16 0
                                    

Chapter's Featured Song: Can't Help Falling Inlove by Elvis Presley


Chapter 12

Minsan, may mga bagay na mahirap intindihin. Mayroon din namang mga bagay na mahirap hindi intindihin.

Wise men says only fools rush in~”

Gaya ng mga ngiti niya. Gaya ng mga titig niya...Tulad niya.

“But I can't help falling inlove with you~”

Ikalawang araw ng shooting namin para sa pelikulang All Out Of Love. Kasalukuyang kinukunan ngayon ang unang pagkikita ni Johnson at Stella na siyang mga karakter naman nina Estefanio at Lolita.

Shall I stay~”

Makulimlim ang kalangitan at marahang umiihip ang hangin--- mood na nagpapagandang lalo sa eksenang kinukunan. Nasa isang plaza kami. Maraming tao ang kinuha upang magsilbing mga extra. Nasa isang entablado sa unahan si Lolita habang tumutugtog sa piano at kumakanta. Tahimik ang lahat at ninanamnam ang bawat lyrics na binibigkas niya.

“Would it be a sin~”

Sa isang banda, nakatayo si Estefanio kasama ang ilang mga bata at nakangiti. Nakatayo siya sa pagitan ng mga ito habang hinihintay ang sandaling pagpasok niya sa eksena. Tinitigan ko siya. Hindi ko maikakailang tila natutunaw ang puso ko dahil minsan lang ako makakilala ng mga lalaking mahilig at natutuwa sa mga bata. Isang katangian na hindi ko aakalaing na kay Estefanio rin pala.

“If I can't help falling inlove with you~”

Nagitla na lang ako nang bigla ring tumingin sa pwesto ko si Estefanio saka bahagyang ngumiti. Hindi na ako nakagawa pa ng ano mang reaksiyon pabalik sa kaniya dahil agad din siyang umayos para pumasok na sa eksena.

“Take my hand~”

Bahagya nang humihina ang boses ni Lolita. Dumako naman ngayon sa pwesto niya ang atensiyon ko. Nakatingin siya sa mga madla nang biglang mapadako ang tingin niya sa lugar kung nasaan si Estefanio at ang mga batang kasama nito.

“Take my whole life too~”

Dahan-dahang napalingon si Estefanio kay Lolita na siyang patuloy pa rin sa pagkanta sa entablado. Naka-focus sa kanila ang lahat ng kasama namin rito na production staffs na hindi kasama eksena.

Ngumiti si Estefanio kay Lolita habang nanatili namang nakatitig si Lolita sa kaniya. Sa pagitan ng napakadaming tao, sa isipan nila, sila lamang ang naroroon.

“If I can't help falling in love with you~”

Napasinghap na lang ako bigla nang tumikhim si Romialdo na nasa likuran ko lamang. Bahagya ko siyang nilingon.

“Gusto mo ba siya?” nakangiti nitong tanong habang naka-crossed-arm pa.

Pinanliitan ko naman siya agad ng mga mata. Hindi ba siya naasiwang makipag-usap sa isang tulad ko? Hindi naman kami magkakilalang masyado at kahapon lang kami nagkausap. Friendly ba talaga ang mga artista o sadyang feeling close lang siya?

Imbes na sabihin ang mga tanong sa utak ko, umiling na lamang ako sa kaniya kasabay ang pagtaas ng kilay ko. Natawa naman siya rito. Napalingon tuloy ako sa paligid namin dahil baka mapagalitan kami kung marinig ang boses namin. Napanatag naman ang loob ko dahil lahat ay nakatutok lamang sa eksenang kinukunan at wala sa kanilang pumapansin sa amin ngayon.

Till I Rewrite The Stars (Under Revision)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum