27

49 6 0
                                    

Chapter's Theme Song: Here I Am by Air Supply

Chapter 27

Gusto kong maglaho na parang isang bula. Gusto kong mawala ngayon sa pwestong ito para hindi ko nararamdaman ang lungkot sa puso ko.

Bakit nangyayari pa ang mga ito? Bakit kailangan pa naming magkita sa mga hindi inaasahang pagkakataon? Parte pa ba ang mga ito ng unang kahilingan ko? Mga bituwin pa ba ang dahilan sa aming bawat pagtatagpo?

"A-are you okay?" tanong sa akin ni Estefanio habang hawak-hawak pa rin ako.

Hindi. Hindi ako okay, pero may rason ba para sabihin ko sa'yo ang mga nararamdaman ko?

Agad akong bumanggon sa pagkakahawak niya sa akin at inayos ang tayo. Ilang pulgada pa akong dahan-dahang lumayo sa kinatatayuan niya. Napakagat ako sa ibabang labi ko at saka siya pilit na tinitigan sa mga mata.

"How are you Juliet?" mahinang tanong niya. Ramdam ko ang panghihinayang sa bawat salitang binibitawan niya at sa bawat pagpikit niya. Malalim din ang paghinga niya tulad nang nararamdaman ko. "Can we talk?" sabi pa niya.

Pilit akong ngumiti sa kaniya at napalunok. "S-sorry Estefanio. Pasensiya na sa lahat...sa lahat-lahat," tugon ko sa kaniya. Nanubig na muli ang mga mata ko at ramdam ko rin ang panginginig ng mga labi ko. Tila tinutusok ang puso ko sa bawat segundong lumilipas na nasa harap niya ako.

"Hey," panimula niya at akmang hahawakan ako sa balikat ngunit agad akong umiwas. Natigilan naman siya. "I-i understand you. Sorry...but," Napadako ang tingin niya sa baba. "But, if you think I'm mad at you, no I'm not. I will never be mad at you," aniya.

Ilang segundo akong nakatingin sa kaniya habang nanatili ang mga titig niya sa baba. Nang maramdaman ko ang pagbagsak ng mga luha ko, kusa na akong tumalikod sa kaniya.

"Mali Estefanio na pinagkatiwalaan mo pa ako," sambit ko sa gitna nang pag-iyak. Sa buong pasilyong ito, alam kung tanging pagtangis ko ang maririnig.

"No. I never regret trusting you. Probably, our life is chaotic right now...but I will never regret trusting you Juliet," mariing saad niya mula sa likuran ko.

Napahawak na lang ako sa bibig ko at pinigilan ang paglabas nang nagkukuhamahog na paghagulhul ko. Ilang sandali pa, naramdaman ko ang bahagyang paghawak ni Estefanio sa kabilang kamay ko at iniharap ako sa kaniya.

"You don't have to explain everything Juliet. I truly understand your side and feelings without explaining it to me."

Natigilan ako. Dahan-dahan akong tumitig sa kaniya. Naramdaman ko na lang ang dahan-dahan niyang pagyakap sa akin sa gitna nang pag-iyak ko.

Naistatwa ako bagama't patuloy sa pagbagsak ang mga luha ko. Hinayaan ko siyang yakapin ako.

"I'm here. It's already okay," saad niya. Napapikit na lang ako hanggang sa unti-unti siyang humiwalay sa akin.

Nanghihina ang mga tuhod ko at nanlalamig ang mga paa ko habang nakatitig sa kaniya. Kahit hindi niya sabihin, kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Bakit Estefanio? Bakit ganito ang pinapakita mo sa'kin?

Katahimikan ang nanaig sa pagitan naming dalawa. Pareho marahil hindi namin alam kung ano ang sasabihin sa bawat isa. Ayokong magsalita dahil sa oras na magpaliwanag ako siguradong maiiyak muli ako. At ayokong umiyak dahil alam kong gagawa at gagawa siya nang paraan para pagaanin ang loob ko. Sa sandaling gawin niya na naman iyon, tulad kung paanong pinapanatag niya ang bawat magulo at malungkot kong pagkatao, alam kong mas mahuhulog ako. Ayokong kumapit pa sa nararamdaman ko sa kaniya dahil pagdating sa dulo, ako at ako ang masasaktan.

Till I Rewrite The Stars (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon