08

102 21 18
                                    

Chapter's Featured Song:  Right Here Waiting by Richard Marx


Chapter 8


“S-sorry, I-i'm such a failure.”

“No, hindi ka failure. Huwag mo nang isipin yung mga narinig mo...Totoo pala talagang maldita ang Lolita Esquivel na 'yun, lalo na 'yung alipores niyang assistant!” sabi ni Gwendelyn habang inaalo ako sa pag-iyak.

“T-totoo naman eh, palpak ako,” saad ko at pilit na ngumingiti sa kaniya kahit na patuloy pa rin sa pagbagsak ang mga luha ko. Tanggap ko. Tanggap ko naman ang pagkakamali ko. Tanggap kong kulang nga ako.

“Hays, okay lang 'yan Juliet. Bago ka pa lang naman sa trabahong ’yan. Natututunan din 'yan.” Kumalas naman ako sa kaniya at inayos ang sarili ko sa harap ng salamin.

“Salamat Gwendelyn,” sabi ko na lang at tumigil na sa pag-iyak. Nangyari na ang mga nangyari. Nagmumukha lang akong mas kaawa-awa kung magpapatuloy pa ako sa pag-iyak. Ang hina mo talaga Juliet.

Lumipas ang mga minuto, ngunit imbes na bumalik sa loob ng function hall ay inaya na lamang ako ni Gwendelyn na maglibot-libot sa buong hotel. Sabi nito, kung hindi ko pa raw kayang bumalik doon ay ayos lang sa kaniya na samahan ako. Hindi rin naman daw pala-utos ang amo niya kaya't siguradong hindi ito magagalit sa kaniya kung umalis nang saglit. Um-oo naman ako sa kaniya sapagkat sa totoo lang, hindi ko alam kung paano pa ako haharap sa mga taong naroroon. Alam ko namang kumpara sa mga taong ’yon, isa lamang akong pangkaraniwan at hindi ganoong kahalagang tao. Alam ko namang wala silang masyadong pakialam sa akin dahil ito lang ako, isang alalay na palpak pa sa trabaho...Pero hindi ko alam, nilalamon pa rin ako ng kahihiyan, lalong lalo na sa amo ko—kay Estefanio Del Carpio.

Lumipas ang halos isang oras hanggang sa unti-unti nang sumapit ang gabi. Kasabay nito ang pagtatapos ng naganap na Welcome Event para kay Estefanio. Naghiwalay na kami ni Gwendelyn sa lobby ng hotel dahil kailangan niya na rin daw balikan ang amo niya. Nanatili na lang ako sa may entrance ng hotel at hinantay ang paglabas nina Estefanio. Nakaramdam naman ako muli ng panliliit nang naunang dumaan sina Lolita Esquivel kasama ang kaniyang assistant. Sarcastic pa akong tinitigan ng alalay niya pero nanatili na lang akong nakayuko sa pwesto ko.

Agad ding dumating sina Kuya Arnolfo bago pa magsibabaan ang maraming tao. Nauunang naglakad si Estefanio ngunit hindi ako nito napansin mula sa pwesto ko. Agad naman akong sumunod sa kanila at si Kuya Arnolfo ang unang nakapansik at nakakita sa akin.

“Oh Juliet? Saan ka nagpunta? Hinanap ka pa namin doon sa CR pero wala ka. Akala namin umuwi ka na. Okay ka na ba?” nag-aalalang tanong nito. Tuloy-tuloy naman akong naglakad at pilit na nginitian ito.

“O-okay lang po Kuya Arnolfo. A-ang hindi ko lang po sigurado ay... kung okay lang ba ang nangyari para kay Sir.” Bahagya akong napayuko.

Nagpatuloy kami sa paglabas sa hotel patungo sa parking lot. Hindi pa rin tumitingin sa likuran ang nangungunang si Estefanio kaya't hindi kami nito napapansin.

“Ano ka ba Juliet, 'yan si Sir magagalit? Naku, mukhang anghel nga 'yan 'di ba sa kabaitan?” Natawa nang bahagya si Kuya Arnolfo sa sinabi niya kaya't pilit na lang akong ngumiti sa kaniya. Napansin ko ring amoy alak siya dahil siguro sa mga ininom nilang wine kanina sa event. “Hinanap ka nga niyan eh. Nag-alala rin yata sa'yo,” dagdag nito. Natigilan naman ako dahil dito kaya't napag-iwanan na nila ako nangntuluyan sa paglalakad. Sakto nasa parking area na kami.

“Juliet?” biglang pagtawag sa'kin ni Sir Estefanio na siyang ikinagulat ko. Akma na sana itong papasok sa van nang saka lamang ako mapansin. Tumayo ito at mukhang hinihintay yata akong lumapit doon. Nag-aalangan pa ako sa una ngunit pinilit kong maglakad papalapit sa kanila nang dahan-dahan.

Till I Rewrite The Stars (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon