09

101 18 1
                                    

Chapter's Theme Song: Having You Near Me by Air Supply

Chapter 9


Umiihip na sariwang hangin, puting buhangin, mala-kristal na dagat, tunog ng mga alon na tila isang humiheleng musika sa aming mga tainga, ang matatayog na mga puno, tinig ng mga ibon, at ang tila nagniningning na init ng araw ang sumalubong sa amin sa resort na tinungo namin ng mga kasamahan ko sa Infinity Resto Bar. Animo'y isa itong lugar ng paraiso.

“Welcome to Agoho Kampsite!” masayang saad ni Sir Quintos habang nakatayo sa harapan naming lahat at ini-emphasize ang signage ng Agoho Kampsite, ang pangalan ng resort na ito. Nakalilok ang pangalan nito sa isang oblong na kahoy at nakasabit sa taas, sa pagitan ng dalawang matayog na puno ng Agoho.

 Nakalilok ang pangalan nito sa isang oblong na kahoy at nakasabit sa taas, sa pagitan ng dalawang matayog na puno ng Agoho

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tumagal ang biyahe namin ng halos apat na oras bago kami makarating dito sa San Narciso, Zambales. Matapos ang nakakaantok na byahe ay tila nabuhayan kaming lahat dahil sa ganda ng lugar na ito. Ayon kay Sir Quintos, may kapamilya siya rito sa Zambales na siyang nag-suggest ng resort na ito. Batay na rin sa pangalan nito, nagsisilbi rin daw itong campsite sa mga gustong mag-overnight dito.

“Mukhang magi-enjoy talaga tayo rito Sir ah! Ang ganda!” tatalon-talong sabi ng isa sa mga pinakabatang lalaki na katrabaho namin. Natawa naman ang karamihan sa inasta nito. Halos dalawampu kaming mga magkakasama pati na si Sir Quintos. May ibang mga kasamahan naman kaming hindi nakasama dahil sa iba-ibang rason, gaya ng nagkasakit o 'di kaya ay may aasikasuhing ibang bagay.

“Oh siya, hindi na tayo kukuha ng cottage diyan, mag-set na tayo ng mga tent,” usal ni Sir Quintos at nauna nang maglakad. Agad namang sumunod ang lahat. May mga bitbit kaming kaniya-kaniyang bag na naglalaman ng mga personal na gamit namin gaya ng pamalit. Gayundin, dala-dala namin ang ilang mga tent na siyang aming gagamitin. Syempre, kailangan ma-feel talaga namin ang camp sa campsite na ito kahit na hindi kami abutin ng gabi rito. Bitbit din namin ang mga pagkain na ipinahanda ni Sir Quintos---mga naka-tray na ulam at dessert ang sa mga babae, at ang kaldero ng kanin at mga water jug naman ang pinagtutulungang alsahin ng mga lalaki.

Kami ang nahuhuli ni Eda sa hanay ng mga kasamahan namin. Bitbit ko ang isang tray ng caldereta habang si Eda ay may hawak namang dalawang box ng cake. Panay pa ang sulyap-sulyap ni Eda sa buong paligid habang naglalakad kaya't mas lalo yata kaming nahuhuli sa paglalakad.

“Tahimik at maganda ang lugar na ito Juliet. Napakaganda pa ng panahon,”ani ni Eda habang tinititigan ang mga puno ng Agoho na nadaraanan namin. Napapangiti naman ako sa ikinikilos niya na animo'y excited sa mga nakikita. “Sayang nga lang at hindi tayo maaarijg magpagabi. Hindi tayo makakapag-star gazing,” bigla niyang dagdag. Hindi naman siya malungkot sa pagkakasabi niya nito.

Inanunsiyo na noon ni Sir Quintos na hindi raw kami dapat lalagpas sa alas singko ng hapon dahil kailangan pa naming pumasok kinaumagahan. May aasikasuhin din daw siya sa resto-bar.

Till I Rewrite The Stars (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon