17

55 12 0
                                    

Chapter 17


"Thank you for today," sambit ni Estefanio nang tumigil na ang van na menamaneho ni Kuya Arnolfo. Dahan dahan akong lumingon sa kaniya saka ngumiti.

I don't know, but after everything that happened this day, Estefanio and I became closer. Pinaupo pa ako nito sa tabi niyang upuan imbes na sa front seat.

"Don't worry, sasabihin ko na lang kay Mom na we're all tired. I think she'll accept that reason naman," tukoy ni Estefanio sa dapat na pagri-report ko kay Mrs. Del Carpio. Ilang araw na rin kasing hindi ko mahanap ang cellphone na ibinigay ni Estefanio kaya't hindi ako nami-message ng mama niya. Bagkus, sa mga nagdaang araw ay kusa na lang akong nagtutungo sa Casa Simeon para mag-report dito.

Kailangan ko pala talagang mahanap iyong cellphone dahil nakakahiya naman kay Estefanio kung malaman niyang naiwala ko ang isang bagay na galing pa sa kaniya. Sa pagkakaalam ko, kahit na mas maliit pa iyon sa mga cellphone ng modernong panahon ay mahal ang value nito ngayong taon dahil iilan pa nga lang ang kayang mag-avail ng mga ganito.

"Thank you," sagot ko sa kaniya.

"No worries."

Ilang segundo pa kaming nagkakatitigan habang parehong bahagyang nakangiti. Tinanguan ko na lamang siya upang matapos iyon saka bumaba na ng sasakyan.

"Salamat po Kuya Arnolfo," paalam ko naman kay Kuya Arnolfo matapos makababa. Tinanguan naman ako nito. Halatang pagod na rin siya. Hinintay daw kasi nila kami maghapon kina Lolita batay na rin sa utos ni Estefanio. Narinig pa raw nilang ilang ulit na sinermonan si Lolita ng lola niya dahil sa ginawa nitong eskandalo.

Agad na akong pumasok sa bahay namin matapos panuuring umalis ang van nila Estefanio. Pakiramdam ko pagod na rin ang katawan ko sa maghapong mga pangyayari...


----

Maga-alas sais pa lang ng umaga ay nagtungo na ako sa Casa Simeon. Kailangan ko pa ring mag-report ngayon kay Mrs. Del Carpio para man lang makabawi rito. Nag-aalala pa rin kasi ako na baka nagmi-message na siya sa cellphone ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maalala kung saan ko ba naiwan o naiwala. Hindi rin naman namin ito matagpuan sa bahay ni Eda.

Bitbit ang bag na naglalaman ng mga gamit ko sa trabaho at listahan ng schedule ni Estefanio ay naglakad na ako papasok sa Casa Simeon Hotel. Sa mga nagdaang araw kong pagpapabalik-balik sa lugar na ito ay nakilala na rin marahil ako ng mga nagtatrabaho rito. Hindi na ako tsini-tsek ng mga security personnel bagkus ay nakangiti pa ang mga itong tumatango sa akin. Maging ang mga service employee ni Goldia ay malugod din akong binabati.

"May naiwan na namang mga kalat doon sa second floor! Sino ba naglinis doon kahapon ha?" Napatigil ako nang marinig ko na naman ang bulyaw ni Goldia sa ibang mga nagtatrabaho sa hotel. Halos sa tuwing pumupunta yata ako rito ay palagi namang mainit ang ulo nito, wala pa siyang pinipiling oras. Hindi ko alam kung natural ba ito sa ugali niya o napi-pressure lamang siya kina Estefanio at Mrs. Del Carpio.

"S-sorry po Sir, umihi po kasi ako n'un t-tapos inutusan niyo naman po akong tumulong sa kitchen noong pabalik na ako k-kaya---" Napahinto sa pagsasalita 'yung babaeng sumagot kay Goldia.

"Ha?! So, kasalanan ko pa?" singhal ni Goldia pabalik sa kaniya. Napatingin naman sa akin 'yung babaeng sumagot sa kaniya.

"Eh sa Kitchen Department naman po talaga ako. Matapos niyong paalisin 'yung ibang mga taga-Housekeeping kami 'yung isasabak niyo roon." Tila nagkaroon ng lakas ng loob ang babae para sumagot kay Goldia.

Till I Rewrite The Stars (Under Revision)Where stories live. Discover now