14

68 14 0
                                    

Chapter's Theme Song: I Don't Want To Talk About It by Rod Stewart

Chapter 14


“B-bakit po? A-anong dahilan?” garalgal kong tanong kay Mrs. Del Carpio. Kinakabahan ako sa kung ano man ang maaaring sabihin niya.

“It's none of your business now...” Napabuntong-hininga siya saka ako mariing tinitigan. “Since now, I don't still have a choice but to let you as my son's personal assistant, I want you to be vigilant especially on Suazon's actions. See and tell me any suspicious things you'll learn.”

Napalunok na lang ako sa bilin ni Mrs. Del Carpio. Bakit kailangan kong mapasok sa isang sitwasyon na tulad nito? Ni hindi ko nga alam kung anong ugat ng galit niya o rason para gawin ko ang bagay na sinasabi niya sa akin...Tapos sa oras naman na ipatigil niya agad ang shooting ng pelikula, mawawalan na ako ng trabaho at mawawala pa ang pagkakataon kong makasama si Estefanio.

Kung gagawin ko ang nais niya at may makuha nga siyang patunay sa kung ano mang ikinaiinis niya, parang kinakalaban ko na rin nito ang kagustuhan ng puso ko. Nalilito ako sa mga nangyayari at kung anong dapat gawin...

Mabilis na tinapos ni Mrs. Del Carpio ang usapan namin. Hindi na ako nakasagot pa sa bilin niya kaya't agad niyang iniba ang pag-uusap namin. Hiningi niya sa akin ang mga susunod na schedule ni Estefanio at ni-check niya ang mga ito. Sa sandali raw na ito, kailangan pa rin naming manatili sa pagti-tape ng film hanggat wala pa siyang ginagawang aksiyon o disesyon sa sitwasyong tinutukoy niya. Hindi ko pa rin siya lubos maintindihan pero hindi ko na nga yata kayang sumuway pa...

----

Lumipas ang mga araw at nanatili namang maayos ang mga nagdaang shooting. Gaya nang utos sa akin ni Mrs. Del Carpio, binantayan ko ang mga kakaibang kilos sa production ng pelikula pero wala naman akong napansing kahina-hinala. Sa nagdaang dalawang araw, hindi niya pa rin ipinapaliwanag kung ano ba ang gusto nitong malaman o kung ano ba ang problema.

Sa loob din ng dalawang araw na lumipas, naging mas malapit pa ako kay Estefanio dahil na rin sa trabaho ko. Ako ang pansamantalang nag-aayos ng mga schedule niya na siya namang ipinapasa ko kay Mrs. Del Carpio tuwing gabi. Ako rin ang nag-aasikaso sa mga pangangailangan ni Estefanio sa tuwing may taping. Ngunit kahit ganoon, hindi ko pa rin masiguro kung ano ba talagang nararamdaman ko sa kaniya tulad nang sinabi ni Beatrice noon sa akin.

Ngayon ang ikalimang araw ng taping at patungo muli kami sa Saint Therese Orphanage para kuhanan na ang scene para sa location na iyon. Na-excite naman ako dahil makikita naming muli ang mga madre at bata doon. Para sa akin, ang gaan gaan ng pakiramdam ko sa lugar na iyon.

“I'm sure they will be more excited now,” narinig kong sabi ni Estefanio mula sa back seat. Kasalukuyan kaming bumabyahe patungo sa orphanage.

“Why? Did you already go there?” si Lolita iyon. Nakisakay ulit siya sa amin dito sa van. Hindi ko nga maintindihan kung bakit dikit nang dikit siya kay Estefanio kahit pa sa mga nagdaang araw ng taping. Nagagawa niya pang iwan o humiwalay kay Myla na siyang assistant niya para lang sumabay sa amin. Nananatili na lang akong tahimik sa tuwing kasama namin siya dahil alam kong naiinis siya sa akin sa hindi ko rin alam na dahilan.

“Yes, we already went there. We visited and brought foods for the kids,” sagot ni Estefanio. Tumingin ako sa rear mirror at napansin kong nakadikit lamang si Estefanio sa may bintana habang si Lolita naman ay halos nasa gitna na ng magkakadikit na upuan sa back seat. Halatang ayaw naman ni Estefanio sa mga babaeng tulad ni Lolita bagama't kailangan niya itong pakisamahan.

“Oh, with Juliet ulit?”

Napakunot-noo naman ako nang marinig kong banggitin ni Lolita ang pangalan ko. Bakit ba kailangan niya pang idiin ang pagtatanong kung kasama ako? Syempre, personal assistant ako ni Estefanio!

Till I Rewrite The Stars (Under Revision)Where stories live. Discover now